Share

Divorce talk

Author: Lyly
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-14 07:06:40

Kumurap-kurap ang mga mata ni Ava nang tumama ang sinag ng araw sa kan'yang mukha.

Mainit. Mapayapa. Sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, hindi siya nagising na mabigat ang dibdib.

Bakit parang magaan ang pakiramdam niya? Dahil ba 'yon sa pag-iyak kahapon? O sa divorce, kahit na kabaliktaran nito ay mabigat na responsibilidad sa pinansiyal?...

Bahagya siyang napangiti nang tuluyang bumukas ang inaantok pa n'yang mga mata.

Katabi niya si Gideon, nakapikit pa, ang braso ay nakapulupot pa rin sa kan'yang baywang kahit na maghihiwalay na sila. Sa liwanag ng umagang nanggaling sa bintana, hindi siya mukhang malamig o malayo. Mukha lang siyang... tao.

Isang tao na kaya niyang mahalin kung papayagan siya nito.

"Gideon," bulong niya, marahang hinimas ang kanyang pisngi.

Dahan-dahang iminulat ni Gideon ang kan'yang mga mata. Walang ngiti. Walang lambing sa unang tingin. Pero hindi rin iyon ang karaniwang lamig na bumabalot sa kan'ya tuwing magkasama sila.

"Gising ka na," Ani Gideon, ang malalim niyang boses ay paos pa sa paggising.

Tumango si Ava. "Mataas na ang araw."

Walang umusal sa kanila ng ilang segundo. Tanging ang huni ng mga ibon sa labas at ang mahinang ingay ng sasakyan mula sa malayo ang naririnig.

Bumangon si Gideon, hubo't hubad ang mga katawan nila. At bigla ay hinila ni Gideon si Ava mula sa kama.

"Ah!" Napasigaw si Ava nang buhatin siya nito. "Anong ginagawa mo?"

"Maliligo tayo," simpleng sagot ni Gideon, bitbit siya papunta sa banyo.

"Gideon! Ibaba mo ako!" Hindi napigilan ni Ava na tumawa sa kabila ng sitwasyon, pilit na kumakawala pero mahigpit ang hawak ng mga braso ni Gideon sa kanya.

Hindi siya pinansin ni Gideon. Diretso siyang pumasok sa banyo, binuksan ang shower, at agad na bumuhos ang malamig na tubig sa kanilang dalawa.

"AAAAH! Ang lamig!" sigaw ni Ava, ang bawat sunod-sunod na patak ng malamig na tubig na dumadampi sa ulunan niya ay tila kumikiliti sa kanya.

Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon, may ngiti sa labi ni Gideon. Hindi malawak. Hindi ang tipong masayang-masaya. Pero ngiti. At sapat na iyon para tumigil ang mundo ni Ava.

gumingiti siya. Ngumiti siya ng totoo.

At sa maikling sandaling iyon, nakalimutan niya ang divorce papers. Nakalimutan niya si Celestia. Nakalimutan niya ang tatlong milyon at ang nanay niyang nasa ospital at ang kapatid ni Gideon na pinagselosan nito.

Sa sandaling iyon, mag-asawa lang sila.

Magkasama sa malamig na tubig, basa ang buhok, tumatawa na parang walang problema.

Hinawakan ni Gideon ang mukha ni Ava, pinunasan ang tubig sa kan'yang pisngi. "You look happy," sabi niya, ang malalim na boses ay tila lumambot... malambot para kay Gideon.

"Bihira kasi," sagot ni Ava, hiningal pa sa kakatawa.

Tumagal ang tingin ni Gideon sa kanya. "You should laugh more."

At sa sandaling iyon, sa gitna ng malamig na shower at masakit na katotohanang maghihiwalay na sila, naramdaman ni Ava na posible pa rin ang pag-asa.

Na baka... baka may pagkakataon pa.

Na baka hindi pa huli ang lahat.

'Isang katangahan'... Ang boses na iyon ay nakisali sa likod ng isip-isipan ni Ava.

Hinawakan ni Gideon ang kanyang baba at marahang humalik sa mga bibig ni Ava. Ang pamilyar na halik ng pag angkin.

Napapikit si Ava, ramdam ang bawat galaw ng labi ni Gideon sa kanya. Malamig ang tubig, pero mainit ang kanyang dibdib.

May pagkakataon pa ba?

Gusto niyang maniwala na meron.

Pero si Gideon ang unang kumalas, isinandal ang likuran ni Ava sa malamig na dingding na tiles ng CR.

Ang pamilyar at agresibong pamamaraan ay andoon pa din.

He gripped her soft thighs, bringing one leg on his side waist, saka ay hinimas ng maugat na kamay ni Gideon ang malulusog na hita ni Ava.

Ava gasped, her eyes going glazed.

Ring. Ring. Ring.

Tumunog ang phone ni Gideon mula sa labas ng shower area.

Tila ba nidistorbo nito ang nag-iinit na momento sa kanilang dalawa.

Pareho silang napalingon sa screen ng cellphone. Mula sa kinaruruunan nila, mababasa ang pangalan ng tumatawag. Celestia.

Nanlamig si Ava. Hindi dahil sa malamig na shower water. Dahil sa biglang pag-igting ng panga ni Gideon.

"Ignore it," bulong ni Ava, hinawakan ang kamay nito. "Sandali lang... Tapusin na lang natin ito..." Ito siguro ang unang beses na narinig ni Gideon si Ava na mag initiate.

Na parang isang tunay na asawang babaeng gusto si Gideon.

Tumingin si Gideon sa kan'ya. Hindi sumasagot.

Patuloy ang pag-ring ng phone.

"Gideon, please," pilit ni Ava, ramdam na ramdam ang pag-urong ng puso niya. "Kung tungkol sa divorce ang tawag... hindi naman kailangan ngayong umaga. Hindi pa tayo nag-aalmusal oh."

Tumingin si Gideon sa kanya ng matagal. Parang may gusto siyang sabihin. Parang may gusto siyang gawin.

Pero hindi niya ginawa.

Lumabas siya ng shower, kinuha ang robe na nakasampay sa pinto, at isinuot, saka ay tinali sa baywang.

"Gideon..." tawag ni Ava, basang-basa pa, nanginginig sa lamig at kaba gawa ng antisipasyon.

"I need to take this," sabi ni Gideon, hindi tumitingin sa kanya.

Paglabas niya ng banyo, sinundan siya ni Ava. Hindi na siya nakialam nang sagutin ni Gideon ang tawag.

"Celestia." Gideon's voice was flat. "Nandito ka na?"

Hindi narinig ni Ava ang sagot mula sa kabilang linya. Pero nakita niya ang bahagyang pag-igting ng panga ni Gideon.

"Sa living room?" ani Gideon. "Sige. Baba ako."

Baba... siya? Ngayon? Naka-robe?

"Gideon," tawag ni Ava, papalapit. "Kung tungkol sa divorce, pwede naman pag-usapan mamaya—"

"Celestia is here," putol ni Gideon, hindi tumitingin sa kanya. "Sa baba. Kailangan ko siyang kausapin."

Napalunok si Ava, hubad pa ang basa niyang katawan.

Bumaba siya ng hagdan. Hindi man lang nagbihis. Hindi man lang nagpaalam ng maayos.

Tanging si Ava ang naiwan. basang-basa, nanginginig, nakatingin sa pintong kumalansing sa pagkasara.

Kinuha niya ang polo na naiwan ni Gideon kagabi sa sahig.

Isinuot niya iyon. Ang mga manggas nito ay lumagpas sa braso niya. Ang laylayan nito ay umabot sa gitna ng hita niya. Inamoy niya ang pamilyar na pabango ni Gideon sa natirang tela.

At tahimik siyang tumulo ang luha.

Dahil kahit sa huling umaga nila...

Hindi pa rin siya ang pinili.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   His Ava

    When Ava chose Gideon over Giovanni three years ago, it wasn't because of betrayal.Giovanni committed a weightful crime na naging dahilan bakit siya ay na excile sa ibang bansa para malinisan ang pangalan ng Valderama.It happened right before his engagement with Ava. Pinapili siya kung sasama siya kay Giovanni.And Gideon took Ava's hand with '𝘱𝘳𝘰𝘮𝘪𝘴𝘦𝘴' of a lasting marriage to take care of her-- in front of the pleading mentally-sick Giovanni who could have killed her.Ava wasn't strong enough to be with a man like Giovanni.It wasn't betrayal. It was abandonment.And now, she is carrying the past's weight. Lalo na at babalik na si Giovanni, while Gideon never-- not an ounce-- believed Ava loved him.Sunod-sunod na napakurap si Ava sa mga salita ni Gideon, at sa mga oras na ito ay pagod na din siyang maghanap ng paraan para patunayan ang sarili. Tatlong taon na niyang ginagawa iyon. Siguro ay tama na nga. Siguro ay mas sasaya si Gideon sa piling ni Celestia.“Prepare for th

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Lipstick Stain

    Mabigat ang loob ni Ava nang lumabas siya sa elevator ilang metro ang layo sa likuran ni Celestia.Ava couldn't stop thinking. It still stings, the confirmation that Gideon is really--perhaps utterly-- Celestia's.Parang isang batong tumama sa dalawang ibon ang tingin ni Ava sa sarili. She was having the cruel realization that Gideon might have just used her against Giovanni, at panakip butas habang wala pa si Celestia noong mga araw na iyon.At ngayon niya lang napagtatanto ng husto. Gideon might have said “𝘠𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘮𝘪𝘯𝘦, 𝘈v𝘢” noong mga panahong hinila at itinakbo siya ni Gideon palayo kay Giovanni.The sense of Gideon's intensity had blinded her enough that ownership could be a drowning deep-soul bond Ava had always dreamed for.Ipinagpalit niya si Giovanni noon, dahil lang sa pakiramdam ng pag-angkin ni Gideon.Pero nakikita na niya ngayon as she watched Celestia's elegant glides behind-- being owned means she is easily discarded. Ang huling salita ay manggagaling lang kay

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Attorney Benedict

    Hindi makakurap si Ava na nakatitig sa mensahe ng phone number. Sa ibaba ng encrypted chat ay nakasulat ang "𝘌𝘳𝘳𝘰𝘳. 𝘠𝘰𝘶 𝘤𝘢𝘯𝘯𝘰𝘵 𝘳𝘦𝘱𝘭𝘺 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘮𝘦𝘴𝘴𝘢𝘨𝘦".“Giovanni...” nanginginig ang bulong ni Ava habang humihigpit ang hawak niya sa cellphone.Pakiramdam niya ay dumulas ang puso niya sa tiyan niya kasabay ng parang paro-parong kumikiliti sa puson niya.Hindi niya alam kung ang lamig ng aircon ang nag pa manhid sa balat niya habang tumitindig ang balahibo niya habang nakatitig sa mga salitang 'Mon chéri'. Unti-unting bumilis ang hininga niya, nanginginig ang mga kalamnan habang nag-simulang mangilid ang mga luha. Kaba, takot at pag dadalamhati sa mga alalaala ang bumulusok sa nararamdaman niya.She gulped. Isang matunog na paglunok sa tuyot niyang bibig at nanglagkit na laway saka siya nanginginig na pindutin ang dial button.Kasabay ng bawat patak ng dextrose ng mama niya ay ang matinding pag-pintig ng puso niya habang nagliliyab siya sa antisipasyon. S

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Giovanni?

    Hindi pa man nakakapag agahan si Ava ay nag simula nang dalhin ng mga katulong ang gamit niya sa sinabing maliit na kuwarto. Ang mansyon ni Gideon Valderama ay malawak, sa kasulok-sulokan nito--malayo sa living room, malayo sa magagandang parte ng bahay-- ay ang maliit na kuwarto malapit sa bodega sa pinaka likuran banda. Hindi naman maalikabok dito dahil maalaga ang mga katulong, pero maliit ito kumpara sa kung anong buhay ang nakasanayan ni Ava.Lugmok sa pagkaawa si Ava sa sarili. Sa tatlong kasal nilang dalawa ni Gideon, walang gabi na hindi niya naisip ang multo ng relasyon nilang dalawa ni Giovanni. Hindi dahil hindi niya minahal si Gideon. Hindi. Sinubukan ni Ava na maging maalaga at masunuring asawa. Pero walang sitwasyon na ipinakita ni Gideon kay Ava na importante siya sa paraang pagpapahalaga ni Ava sa kan'ya.At sa bawat gabing hindi nananatili si Gideon sa tabi ni Ava pagkatapos ng pag-tatalik, hindi niya maiwasang alalahanin si Giovanni.Maybe Gideon was right... na

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Her desire to leave

    Sunod-sunod na hingal ang kumawala mula kay Ava sa ilalim ng matipunong katawan ni Gideon.Ang magkadikit nilang balat ay pawisan at malagkit. Nakaawang ang mga bibig ni Ava habang mapungay ang nag kikintab at hindi maka focus niyang mga matang bahagyang nakapikit.Sa kan'yang ibabaw ay si Gideon na kakatapos lang labasan sa pinaka loob-looban ni Ava at tahimik siyang humahabol ng hininga. Walang usapan ang nangyari sa naglalayab nilang katawan nang pumasok si Gideon sa kuwartong ito ilang minuto lang ang lumipas.He pulled out. Isang basang tunog ang bumasag sa katahimikan nilang dalawa. Tumayo si Gideon at pinunasan ang sariling pagkalalaki gamit ang kumot at nag-simulang mag-bihis. Samantalang si Ava ay nanginginig pa din sa sarap habang nakahilata sa kama. Hindi niya mawari kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Kung hawakan siya ni Gideon ay parang sa kanya lang nakasentro ang mundo niya. Pero labas sa mga momento ng pag-sasama nila sa kama, parang wala lang silbe si Ava sa

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Her skin in his clothes

    "Giovanni is returning to the Philippines."Nakakabingi ang katahimikan na bumalot sa living room nang magsalita si Lola Minerva sa kabilang linya.Tila mas tumilis ang titig ni Gideon sa mga hita ni Ava. He tilted his head lazily on the side. Blangko ang mukha niya.Napakuyom ng bahagya si Ava ng kamay na nasa laylayan ng maluwag na polong suot, hinihintay ang tugon ni Gideon habang nanatiling nakatayo sa harapan niya.Celestia's eyes narrowed nang mapansin niya ang tension kay Gideon. "What happened?" Malumanay na usal niya, parang kino-comfort si Gideon ang tunog.Napalunok si Ava at saglit na napa sulyap kay Celestia. Gumuhit ang tahimik na selos sa mata ni Ava at saka siya napaiwas ng tingin agad."I see" Malamig na tugon ni Gideon sa selpon. "Okay, grandma. I'll hang up now. May gagawin pa ako." "Don't forget the dinner, Gideon. Your father expects you and Ava." Lola Minerva firmly dismisses at the other line saka sumunod ang 'tut-tut' na tunog sa pag-tapos sa tawagan."What ha

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Domestically Sexy

    Hindi na bago para kay Ava ang masaktan, ngunit hindi din siya manhid. Gayon pa man, alam niyang wala din siyang magagawa. Mula simula pa. Ang pag-iyak niya sa kuwarto ay naudlot nang tumunog ang sarili niyang selpon. Inabot niya ito sa standee kung saan ito nakalagay. Lola Minerva. Ang Lola ni

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Walang kasiguraduhan

    Humugot ng malalim na hininga si Ava nang makalabas na si Gideon sa CR makalipas ang ilang minuto. Basa pa ang magulo niyang buhok na pinupunasan niya gamit ang tuwalya."Perhaps you should start moving out of my place tomorrow." Umusal ni Gideon na muling bumasag sa katahimikan ng kuwarto. "It wil

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Her fault

    Tila binuhusan ng malamig na tubig ang nag-iinit pa na katawan ni Ava.Hindi niya alam kung matutuwa siya o masasaktan... O maaawa sa sarili.Sa tatlong taon na iyon, madalas niyang maisip na matigil na lang ang lahat, habang itinutulak din ang sarili na mahalin si Gideon. Ngunit ngayon na parang m

  • Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce   Let's get a Divorce

    Three Million Pesos.Iyon ang magiging penalty ni Ava kung aalis siya sa kasal na ito.Malakas siyang napabuntong hininga habang namamasa-masa ang mata niyang nakatingin sa tambak na papeles sa lamesa niya. Nakahilata dito ang mga resibo ng bayad na bills mula sa pera ng asawa niya para sa comatos

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status