Nang marealize nilang halos maghalikan na sila, mabilis na itinulak ni Scarlett ang dibdib ni Joshua nang buong lakas kaya napaatras ang lalaki."Huwag mo akong hahawakan, Josh! Pakiusap, huwag mo nang uulitin 'to!" kaba at takot na sigaw ni Scarlett."Pero bakit, Scarlett? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo, pero nararamdaman kong nagbago ka na. Hindi mo na ba ako mahal? May iba na bang lalaki diyan sa puso mo, hm? Sabihin mong hindi totoo 'yan!" pilit ni Joshua.Mabilis na umiling si Scarlett."Hindi! Ibig kong sabihin... oo! Hindi na kita mahal, Josh. Tulad ng sinabi ko kahapon, namatay na ang pagmamahal ko noong nagdesisyon kang umalis sa bahay ko. Kaya ako nagkakaganto!" pagsisinungaling ni Scarlett, kahit na sa loob-loob niya ay sobrang nasasaktan siya.Alam ni Joshua na hindi iyon ang totoong nararamdaman ni Scarlett. Lalo siyang lumapit hanggang sa maisantabi at maipit si Scarlett sa pader."Anong gagawin mo, Josh? Huwag kang magkakamali!" tili ni Scarlett nang halos ma
Read more