Hindi maalis sa isip ni Joshua ang kakaibang pakiramdam na kanina pa gumugulo sa kanya.Nasa parke pa rin siya kasama ang mga anak. Masaya ang mga bata habang naglalaro, ngunit hindi tulad kanina, hindi na lubos na nakatuon ang atensyon ni Joshua sa kanilang ginagawa. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang paligid. Hindi niya alam kung sino ang taong nakita niya kanina, ngunit sapat na iyon para maging alerto siya.“Mga anak, dito lang kayo sa tabi ni Tatay. Huwag kayong lalayo, naiintindihan ninyo?” paalala ulit ni Joshua.Tumigil sandali sina Nathan at Nala sa paglalaro.“Bakit po ba, Tatay?” tanong ni Nathan.“Wala. Gusto ko lang na malapit kayo sa akin,” sagot ni Joshua.“Okay po, Tatay. Dito lang kami sa may tabi mo.”Ngumiti si Joshua at hinaplos ang buhok ng anak.“Good.”Bagama’t pilit niyang ipinapakita na wala siyang problema, hindi pa rin mawala ang kanyang kutob. May bahagi sa kanyang sarili na nagsasabing may hindi magandang mangyayari.Maya-maya, tumunog ang kanyang telepono
Read more