Pati si Nala ay nakiusyoso at nag-alala habang nakatingin kay Marco na halatang natataranta. Bumaba ang batang babae sa kama at lumapit sa ate niya."Anong nangyari, Ate? Napano si Mama?" tanong ng bata habang hawak ang kamay ni Marco."Hindi ko rin alam, e... Parang may boses ni Mama sa loob. Nagsh-shower siguro siya, pero parang naipit siya sa kung saan! Rinig na rinig ko 'yung mga sigaw niya!" hula ni Marco."Naku, kawawa naman si Mama! Bilis, tulungan natin! Baka napano na siya, natatakot ako!" pilit ni Nala habang itinatulak si Marco para buksan ang pinto.Kumatok nang paulit-ulit sina Marco at Nala sa pinto ng banyo, umaasang maayos lang ang kalagayan ng kanilang ina."Mama, buksan mo 'yung pinto, Ma!""Ma'am Scarlett! Maayos lang po ba kayo? Buksan niyo po ang pinto.!"Siyempre pa, rinig na rinig nina Scarlett at Joshua sa loob ang kalampag at tawag ng dalawang bata. Agad silang napatigil at nagkatinginan."Sina Marco at Nala 'yon!" utal ni Scarlett na bakas ang matinding kaba
Read more