Rainy NightAlessandra's POVMalakas ang ulan.Parang nakikiisa ang langit sa gulong nararamdaman ko.Paglabas ko ng ospital...Hindi ko na hinintay si Drake.Hindi ko rin sinubukang tawagan si Camille.Ang gusto ko lang...Makalayo.Makapag-isip.Makahinga.Mahigpit kong niyakap ang sarili ko habang unti-unting binabasa ng ulan ang manipis kong cardigan.Malamig.Pero mas malamig ang pakiramdam sa dibdib ko.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Sophia."Dahil sa'yo... nawawala ang lahat kay Drake.""Kung mahal mo siya... palayain mo siya."Napapikit ako."Hindi..."Mahina kong bulong."Hindi ko siya gustong saktan."Hinaplos ko ang tiyan ko."Pati ikaw...""Pasensya na, baby."Drake's POVWala siya.Hinahanap ko ang bawat sulok ng ospital.Emergency room.Healing garden.Cafeteria.Parking lot.Pero parang muli na naman siyang naglaho.Lumapit si Marcus habang may hawak na payong."Sir, nagsimula nang lumakas ang bagyo."Hindi ko siya pinansin."Hanapin ninyo siya."
Read more