AMBERKinabukasan, tinatamad akong bumangon dahil hindi maayos ang tulog ko kagabi. Namamaga pa ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Pero wala akong ibang magagawa. Kaya naghilamos na ako at naghanda para sa trabaho. Habang nagbibihis ako, paulit-ulit kong naaalala ang sinabi ni Madam Gina. Kailangan kong umiwas kay Haven kung ayaw kong mawalan ng trabaho, kaya kahit ayaw ko, kailangan kong gawin.“Hays…nakakainis naman ang pag-ibig na ito! Ang sakit sa dibdib,” bulong ko sa sarili.Pagkatapos ng almusal, nagsimula na ako sa mga gawain ko. Nasa sala ako at nagwawalis nang marinig ko ang mga yabag ni Haven. Hindi ako lumingon at ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Maya-maya ay lumapit siya sa akin.“Good morning, Amber. Ang aga mo ngayon. Bakit hindi mo man lang ako tinitingnan? Simula kanina pa parang ang seryoso ng mukha mo.”Karaniwan, tatawanan ko lang siya o sasagutin ng pabalang dahil alam kong nang-aasar lang siya. Pero ngayon, saglit ko lang siyang tiningnan bago muling ibin
Última atualização : 2026-09-06 Ler mais