AMBER “Ano na naman?” sigaw ko pabalik. “May ginagawa ako rito, hindi mo ba nakikita? Kung may iuutos ka, sabihin mo na agad para matapos ko na at makabalik ako rito.” “Pumunta ka rito sandali. May ipapagawa ako sa iyo.” Napairap ako at tumingin kay Richard bago ko ibinaba ang hose. “Tsk! Hindi ka marunong pumili ng timing. Kapag malapit na akong matapos, saka ka tatawag.” Malakas kong sabi habang naglalakad papunta sa mansion. “Richard, huwag mong gagalawin ang mga halaman, babalik ako agad,” sabi ko ng bumaling kay Richard. “Okay. Hintayin kita rito.” Pagpasok ko sa mansion ay umakyat ako sa second floor at nakita ko si Haven na naghihintay sa hallway. Nakahalukipkip siya at seryoso ang mukha habang tinitingnan ako, kaya inakala kong may mahalagang ipapagawa sa akin. Paglapit ko ay agad akong nagsalita dahil gusto ko nang bumalik sa garden. “Ano ba iyon? Akala ko kung ano na dahil tinawag mo pa ako mula sa second floor.” Nakahawak ako sa bewang habang nakatingin sa kanya. “M
Last Updated : 2026-09-02 Read more