Abala si Megan sa trabaho niya nang may kumatok sa pintuan niya.“Come in,” sagot niya ng hindi iyun tinitingnan. Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya at ng makita niyang nakapasok na ang mga ito ay inangat niya na ang ulo niya. Bahagya naman siyang nagulat ng makita niya si Mr. Aquino at may kasama itong babae.“Mr. Aquino,” sambit ni Megan saka siya tumayo at nilapitan ang mga ito.“Kumusta ka na, Miss Sinclair? Pasensya na kung ngayon ka lang namin nabisita. I hope you’re fine after what happened in the hotel.” Nakokonsensyang wika ni Mr. Aquino. Bahagyang ngumiti si Megan.“Okay na ako, Mr. Aquino. Huwag mo na akong alalahanin. Hindi mo naman kasalanan yung nangyari.”“Kung sumama lang din sana ako noong araw na yun sa asawa ko baka sakaling hindi yun nangyari sayo, Miss Sinclair. Sana hindi yun ang maging dahilan para hindi mo tanggapin ang gusto namin sayo. Ikaw ang gusto kong gumawa ng magiging birthday gown ko, Miss Sinclair.” Sambit naman ng asawa ni Mr. Aquino.“Don’t worry,
Read more