Hindi na muna pumasok ng kompanya si Megan pagkatapos ng nangyari sa kaniya. Hindi niya magagawa ng maayos ang mga trabaho niya kapag sariwa pa rin sa isip niya ang nangyari sa kaniya kahapon.Akala niya hindi na siya makakatakas. Akala niya, mapagsasamantalahan na lang siya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya saka siya bumuga ng hangin.“Mommy, are you okay? What happened to you?” Nag-aalalang tanong sa kaniya ng anak niya. Napatingin si Megan sa mga kamay niyang may pasa dahil sa pagsasamantala sa kaniya.“I’m fine anak, pagod lang si mommy sa trabaho.” Sagot niya saka siya tipid na ngumiti pero nag-aalala pa ring nakatingin sa kaniya ang anak niya. Hinaplos ni Megan ang pisngi ng anak niya. “Huwag mong alalahanin ang mommy. Pagod lang ako. May pasok ka pa ngayon hindi ba? Ako na ang maghahatid sayo.”“Aren't you going to work, Mommy?” Kuryosong tanong ng anak niya. Kilala na ni Ethan ang mommy niya, ni minsan ay hindi ito umaabsent sa trabaho. Depende na lang talaga kapag hind
Read more