Masayang nagluto ng dinner si Akira habang pinapanuod naman siya ng anak niya. Kapag may kailangan siya ay ipinapaabot niya na lang sa anak niya. Seryosong pinapanuod ni Ethan ang daddy niya dahil gusto niya ring matutong magluto dahil mukhang magaling at masarap magluto ang daddy niya."Are we going to plan your date with Mommy now, Daddy, so you can properly ask her if you can court her po?" Tanong pa ni Ethan. Habang pinapakulo nila ang soup nila at niluluto ang steak ay naupo na muna silang dalawa at nag-uusap.“I'll do that, baby. For now, I need to do some research on what to do, like finding a nice place to take her on a date.” Nakangiting sagot ni Akira. “Huwag kang mag-alala dahil ang mommy mo lang ang liligawan ko at kapag sinagot na ako ng mommy mo. Siya pa rin ang aayain kong pakasalan. Kahit na anong mangyari, hindi ko susukuan ang mommy mo. Hinding hindi ko kayo iiwan.” Pangako ni Akira sa anak niya na ikinangiti naman nito.Masaya si Ethan dahil nakakasama at nakakausap
Read more