Chapter 64 Ang Pangalan na Hindi Na Maibabalik Third Person POV Tahimik. Kahit ang kaguluhan sa labas ng mansion ay tila sandaling nawala sa isip ni Tina. Dahil ang tunog na mas malakas kaysa putok, sigaw, at alarma… ay ang sarili niyang pangalan. Celestine Monteverde. Nakaupo siya sa sahig ng safe room. Nanginginig. “Hindi…” Mahina niyang bulong. “Hindi ako ‘yan…” Ngunit sa pagkakataong ito… Wala nang pagtanggi na kasing lakas ng dati. Kasi sa bawat pag-iling niya… Mas malinaw ang mga imahe. Isang babae na umiiyak. Isang doktor na humahawak sa kanya. Isang lalaking nagsasabing “ililigtas ka namin.” At isang gabing maulan… na parang hindi kailanman nawala. Lumuhod si Rhylle sa harap niya. “Tina.” Mahina pero matatag ang boses niya. “Tingnan mo ako.” Hindi agad siya sumunod. “Señorito…” “Masakit po…” “Alam ko.” “Pero hindi ka pwedeng tumakas sa sarili mong alaala.” Sandaling natahimik si Tina. Dahan-dahan siyang tumingala. Namumula ang mga mata. “Bakit
最後更新 : 2026-07-27 閱讀更多