Natasha Dapat ay tumalon-talon na ako sa saya dahil sa wakas ay pinayagan na kami ni Tyler, but why don't I feel that way now? Habang nag-aayos ako sa aking sarili, parang wala lang sa akin; halos hindi nga ako excited na umalis samantalang si Thomas ay nasa labas na. Hinihintay ako. I just looked formal. Isang kulay navy blue na trouser, flat shoes, at blazer na kulay navy blue at puting tube sa ilalim. Wala kasi akong gana. Mas gusto ko pang maglinis na lang ng sahig at ng kuwarto. But I shook my head. I need to fix myself. Ano bang iniisip mo, Natasha? Dapat ay kumalma ka at isipin mong mabuti na lang at pumayag na si Thomas. Malay mo naman, di ba, na magustuhan mo talaga siya, at nang hindi na gugulo sa isipan mo ang boss mo, dahil maid ka lang naman sa paningin niya. Tama!Iyon nga dapat ang isipin ko. Huminga ako nang malalim. Muling tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at pilit na ngumiti kahit peke. "Ayan, much better," I commented and picked up
Baca selengkapnya