Natasha I kept the diary and the photo album. I couldn't talk properly to my mother. I tried to, but she kept pushing me, then later on hugged me like crazy. Si Papa naman, pinapahanap ko pero hindi na nagpapakita. Ang gusto ko lang naman sana ay ipakita sa kanila na mali sila na ituring ang mga babaeng parang wala lang. Hindi ko akalain na aabot sa ganito. Na magkakasakitan. Hindi ito ang inaasahan ko. "Mukhang ayaw magpakita, Papa." "Ano bang nangyari sa kanila?" naguguluhan kong tanong. Nakatulog na rin si Mama pagkatapos aluin ni Michael. "Nang umalis ka, sinisi ni Mama si Papa. Nagkaroon sila ng malaking away, tapos umalis si Papa; naglayas. Akala ko normal lang, tapos isang araw nagising akong tumatawa. Si Mama, at pagkatapos ay umiiyak, tapos tinatawag niya akong Natasha." My mind couldn't process the whole thing. "Bakit hindi mo ako tinawagan?" He looked at the floor. "Dahil akala ko, iniwan mo na talaga kami dahil ayaw mo na sa amin."
Read more