Mandy Pagkapasok pa lang namin sa dining area kung saan kakain ng umaga, bumungad na agad ang malaking ngisi ni Lola. Nagkatinginan kami ni Kucas. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil ang bukol niya ang nakikita ko tuwing tinitigan ko siya. Gosh, Mandy, ano ba? Huminga ako nang malalim. Kaya ko ‘to. Iwasan ko lang ang makatingin sa kanya. Iyon lang ang gagawin ko. Umupo ako sa tabi niya gaya ng nakasanayan na. Kahit ramdam ko ang malaking ngisi ni Lola sa amin, hindi ko iyon pinansin. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi, kaya tinuon ko na lang ang lahat sa pagkain. “Hay naku, pasensya na kayo, mga apo ha.” Panimula niya, “May invitation kasi para sa grand celebration ng bawat mayayamang pamilya sa Asya, kaya excited akong ibalita sa inyo. Tapos, may iba pala kayong ginagawa,” hagikhik niya. Gusto kong umangal, pero hinawakan ni Lucas ang kamay ko sa ilalim ng lamesa, mahigpit, tila ba nagbabanta siyang huwag magsasalita; kung hindi, papatayin niya ako.
Read more