Natasha Stephanie started acting weird. Akala ko noong una, wala lang iyon. Na simpleng ganoon lang talaga siya at lilipas din ang lahat, kaya hinayaan ko na lang muna. I mean...it would definitely just go. Pero mas lalo siyang lumala. "Oo naman, Sir Tyler?" Natatawa niyang sinabi, sabay hampas sa balikat ng lalaki. Nasa sala sila. Pababa na sana ako ng hagdan para kumain dahil tinawagan ako ni Genoveva, tapos iyon ang madadatnan ko. I saw how Tyler's eyes darted to where Stephanie hit him. Tumiim ang kanyang mga bagang at walang sinabi. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi na lang sana sila papansin nang bigla na lang ay dumapo ang mata ni Tyler sa akin. Sandali akong natigilan sa paglalakad. Nakita ko na kumislap ang kanyang mga mata nang makita niya ako. His lips parted; he wanted to say something, but
Read more