Natasha Napapansin ko ang pagiging malapit sa akin, lalo na ni Tyler. Tapos minsan ay hindi ko sinasadyang mahuli siyang nakatingin sa akin. Mandy and Lucas went to their home last week pa. Kaya ngayon, ako naman ang sadya ni Tyler na tila ba gustong-gusto niyang iniinis ako lalo. "Bakit? Ano bang kailangan mong hayop ka?" "Ako?" Itinuro niya ang kanyang sarili. Napailing ako, "Hindi, baka siya!" turo ko sa isang kasamahan ko na naglilinis ng hagdan. Tyler laughed like he was so happy to make fun of me. Tsk. Kung hindi lang talaga siya guwa— Ano ba Natasha? Nababaliw ka na nga talaga! Anong iniisip mo? Sa tingin mo ba dapat mong isipin ang lalaking iyan? Boss mo siya. Isa siyang Smith. Ikaw Ledesma. Bawal kayo. Hindi kayo puwede. Naku, baka matulad pa sa teleserye ang buhay mo na binibigyan ka ng sampung milyon ng mga magulang ng lalaking mahal mo. Pero kung sakaling gagawin ng mga magulang ni Tyler iyon sa akin, itinagilid ko ang ak
Read more