เข้าสู่ระบบ“And don’t fall in love with me.” Iyon ang huling patakaran ni Lucas Matteo Vergara para kay Mandy D. Mapagkatiwalaan. Natawa lang si Mandy nang marinig iyon. Dahil sino ba naman ang magkakagusto sa isang suplado, mayabang, at ubod ng sungit na bilyonaryo? Siguro may iba. Pero hinding-hindi siya. Ngunit nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumirma sa isang kontratang magliligtas sa buhay ng babaeng tumuring sa kanya bilang sariling apo. Upang matupad ang huling hiling ni Lola Janette, kailangan niyang pakasalan si Lucas at maging kontratang asawa nito sa loob ng tatlong taon. Akala ni Mandy, iyon na ang pinakamahirap na bahagi ng kanilang kasunduan. Ngunit nang bumalik si Samantha—ang unang babaeng minahal ni Lucas at ang babaeng muntik na niyang pakasalan—unti-unting nabasag ang mga pader na itinayo niya sa paligid ng kanyang puso. At doon niya napagtanto na may mas mahirap pa pala kaysa sa pagiging kontratang asawa ng isang bilyonaryo. Ang mahulog sa lalaking hindi kailanman magiging kanya. Hanggang kailan niya kakayaning magpanggap na walang nararamdaman? At kapag dumating ang araw na kailangan na niyang umalis, handa ba siyang bitawan ang lalaking pinakamamahal niya? O lalaban siya para sa pag-ibig na mula pa sa simula ay hindi naman para sa kanya?
ดูเพิ่มเติมMandy’s Pov
"H-hindi," natatawa kong sambit dahil nakikiliti ako sa bawat paglapat ng kanyang mainit na kamay sa balikat ko. "Sir, birhen pa ako at isa pa ayoko naman talaga—" Napatigil ako sa pagsasalita nang idiin niya ang kanyang sarili sa aking likuran. Halos kapusin ako ng hininga lalo na nang inilapit niya ang kanyang pisngi sa akin, kaya ramdam ko ang mainit niyang hininga sa may pisngi ko. Hala! Sa kanya ko na ba talaga ibibigay ang pinakainiingatan kong perlas ng silanganan? Isusuko ko na ba talaga ito? O.M.G! Bulong ko sa aking sarili. Nilingon ko si Sir Lucas, pero mahigpit niya akong pinaharap sa salamin kung saan kitang-kita ko ang replika naming dalawa. Hindi ko kaya. My body burned against his gaze. Gusto kong umayaw pero walang salitang lumalabas sa aking bibig. Ito na ba talaga? "Ang tagal kong hinintay ito, Mandy." Huminga siya sa may leeg ko kaya natigilan ako, halos mapaso ako. Ilang santo ang tinawag ko dahil nangatog na ang tuhod ko. Ganoon pa lang ang ginagawa niya. Shocks! Bakit pakiramdam ko ay nag-aalab na ang katawan ko sa bawat ginagawa niya? Ginawa ko ang lahat upang huwag gumalaw lalo na nang humakbang si Sir Lucas papunta sa harap ko. At sa unang pagkakataon, nang magtagpo ang mga mata namin. Nakikita ko siya bilang isang lalaki… hindi na bilang asungot at mayabang na gusto kong tirisin. Gosh! Delikado ata ako. Tulungan niyo naman ako! Hinawakan niya ang baba ko kaya muling nagtagpo ang aming mga mata, at may kakaiba akong nakikita sa kanyang mga mata na hindi ko mawari kung iyon ba ay pagnanasa o pagmamahal. He crouched down to level my face and leaned closer to me. “Tapos na akong magtiis, Mandy. Asawa na kita, kaya malaya ko nang gagawin kung ano man ang gusto ko sa’yo." He demanded, and I shook my head while breathing heavily. "P-pero, akala ko ba..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang pinatakan niya ako ng isang mababaw na halik na nagpanganga sa akin. “Bigyan niyo ako ng maraming apo, ha,” sigaw ng mastermind sa lahat ng ito. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? **** "Hala, lola Janette naman!" Pagalit ko sa matandang matigas ang ulo. Kanina ko pa siya sinabihan na huwag munang magkilos-kilos, pero heto siya sa garden niya. Hinanap ko na siya sa buong sulok ng bahay at napagalitan pa ako dahil sa pilyang matandang ito. "Where is my goddamn grandma?" Sigaw ni sir Lucas sa buong boses na pakiramdam ko ay mawawalan na agad ako ng trabaho kapag hindi nahanap si Lola. "Apo, I'm here!" Sigaw ni lola pabalik habang kumakaway pa. At talagang masaya pa ang matanda ha. Sinamaan ko siya ng tingin, pero tumawa lamang siya dahil sanay na siya sa ganito. Pakiramdam ko nga parang ako at si Sir Lucas lang ang pamilya niya, kaya palagi siyang matigas ang ulo pagdating sa akin. Nang makarating si Sir sa banda namin, agad niyang dinaluhan si Lola Janette sa may garden at pinagalitan siya. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko papagalitan niya ako. Mabuti na lang at si Lola muna ang inuna niya. Araw-araw, ganoon na ang nangyayari sa buhay ko. Pagagalitan ako ni Sir na si Lola Janette ang may kasalanan, tapos sa huli, pagagalitan din siya. Isang simpleng buhay na nakasanayan ko na. Galing ako sa maliit na probinsiya ng Sarangani. Masaya ang pamumuhay namin doon, ngunit nawala ang mga magulang ko nang hindi ko malaman kung bakit. Kaya nakipagsapalaran ako sa Manila at nakilala ko sina Lola Janette at Lolo Eduardo na kumupkop sa akin, sinabing kaibigan nina Papa, at binigyan ako ng trabaho. "Iyong meds ni lola ay asikasuhin mo, patulugin mo siya nang maaga, at siguraduhin mo na malinis ang kuwarto at katawan niya bago siya matulog. Maliwanag ba, Mandy?" "Yes, sir," mahina kong sinabi. "Hindi ko naririnig nang maayos ang sinabi mo." Sinalubong ko ang tingin niya, "Yes, sir!" Malakas akong sumigaw na halos butiki sa bahay ay mapapatakip ng tenga, kaya napangiwi siya. Ano ka ngayon, ha? "You..." dinuro-duro niya ako, pero nilakihan ko lang siya ng mata. Alam niya kasi na mapapalayas siya kapag nalaman ni Lola Janette na sinaktan niya ako. Kaya napangisi ako. Mas mahal ata ako ng Lola niya kaysa sa kanya. "Just be thankful because Lola really adores you, kasi kung hindi..." "Bakit?" Hamon ko. "Anong gagawin mo kung hindi?" Napapikit na lang siya sa inis at napahilamos sa kanyang mukha kahit wala namang tubig dahil tinataasan niya ang pasensya niya. Gumalaw ang kanyang panga, "Humanda ka sa akin mamaya." May pagbabanta niyang sinabi, pero nagkibit-balikat lang ako. Alam ko namang talo siya. *** "Lucas Matteo Vergara!" Dinig sa buong kabahayan ang sigaw kong iyon. Napatingin muli ako sa sahig na iniwan kong makintab dahil kaka-mop ko lang at ngayon... ay may mga dumi na naman na galing sa kanyang mga aso at sa mga yapak nila. Naiiyak ako sa inis. Gusto ko siyang bigwasan ngayon din. Palagi na lang niyang pinapainit ang ulo ko at pinapakulo ang dugo ko. Sumilip siya sa may pintuan, nakangisi, na tila ipinapaalam niya sa akin na siya na ang nagwagi. Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng aking palda. Umuusok ang aking ilong. Humanda ka sa akin, Lucas Matteo! Maghihiganti ako. Kaya naman, habang wala siya sa bahay at nagtatrabaho, pinatay ko ang CCTV sa kanyang kuwarto para hindi niya makita ang ginagawa ko. Pagkatapos. Pumasok ako sa kuwarto niya at pinagkakalat ang mga gamit niya. Sige, gusto mo pala ng gantihan ha. Sinasabi ko sa’yo, hindi mo ako matatalo. Kaya naman nang sumapit ang hapon at umakyat na siya sa kanyang kuwarto, hindi ko na napigilang mapangisi nang kumati ang aking tenga at agad na narinig ang malakas niyang sigaw. “MANDY D. MAPAGKATIWALAAN!!!” Nagpatuloy lang ako sa pagluluto habang kumakanta pa. Ano ka ngayon, ha? Pero ang buong akala ko na magiging aso’t pusa lang kaming dalawa ay hindi pala mangyayari, dahil isang hindi inaasahang pangyayari ang magbabago sa buhay namin. “Lola,” napailing ako dahil ayokong makulong sa relasyong ayaw ko naman. “That’s my husband and your papa’s will, that when you turn 21, you are going to marry my Lucas.” Nagkatinginan kami ni Lucas, pero siya ang unang nag-iwas ng tingin. Huwag niyang sabihin sa akin na alam niyang mangyayari ito. Na…ikakasal ako sa kanya. Kumuyom ang kamao ko sa aking gilid, habang nakatingin sa kanila. Hindi ko akalaing magagawa nila sa aking gilid ito…ang pagkaisahan ako. “This is not an order, Mandy. It’s a will that we have to comply with.” Bakit? Isa lang ba akong laruan para sa kanila?Natasha"Is it Archangel?" tanong niya nang diretso, wala man lang preno ang kanyang bibig. "Tell me, siya ba ang gusto mo?" Nakahinga ako nang maluwag nang magbigay siya ng pangalang hindi kanya. Tumawa ako. "Hindi 'no, malabong type ko siya dahil alam ko naman na hindi niya ako gusto." Kaswal kong sinabi, tapos ay tumayo, saka siya itinulak palabas ng kuwarto ko. "Umalis ka na kasi." I pushed him harder; this time, I made sure that he would go away from my room.Nang makaalis siya, doon lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag.Akala ko talaga ay matatagalan pa bago ko siya makumbinsi na umalis na lang sa buhay ko. Umayos ako nang tayo. Hindi ko alam kung anong gusto niyang patunayan, but he won't hear any words from me as of now. Wala akong sasabihin. Mabilis akong lumundag sa aking kama at nagpasyang magtalukbong na ng kumot. Wala na akong i-entertain sa gabi na ito dahil nakakabwisit ang lahat ng tao na nakikita ko. Lalong-lalo na si Tyler. And because I was preoccupi
Natasha Hindi ako makapaniwala na nagawa akong lokohin ng mayordoma. Ano kayang thought process niya nang ginawa niya iyon? Jusq naman. Paano ko tatanggalin sa utak ko iyong bukol na nakita ko? Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang aking kamay habang naglalakad sa aking kuwarto. Kinagat ko ang aking labi. Ang laking bukol naman ata no'n. Parang hindi kapani-paniwala. Hindi ata Pinoy size iyon, pero hindi naman siya Pinoy. Napalunok ako nang dalawang beses. I tried to erase it from my mind, but I couldn't help but imagine it whenever I closed my eyes. I bit my lower lip hard until I could taste my own blood dahil kahit anong gawin ko ay bumabalik sa aking iyo nakita. Ipinilig ko ang aking ulo. Sinampal-sampal ang aking mukha. "Ano ba, Natasha? Kalimutan mo na kasi 'yon!" Pero hindi eh. Mas lalong kumakapit sa akin ang mga katagang iyon. At hindi ako makapaniwala doon dahil bakit ko nga ba iniisip iyon kahit hanggang sa paghiga ko. Nag
Natasha Kung dati ay halos hindi na magtagpo ang landas namin. Ngayon naman ay laging nakabantay sa akin si Tyler na tila ba wala siyang ibang gagawin kundi bantayan lang ako. Nahihibang na ata ang isang 'to. "Ano? Pati dito sa trabaho ko ay titingnan mo pa rin ako, ha?" Kumuha siya ng silya at doon ay umupo na para bang siya ang hari ng mundo habang pinagmamasdan niya ako. "Baka kasi bigla mo na lang maisip na magbigti, kaya mabuti nang alerto ako dahil pamamahay ko 'to. Ayokong may multo." Pagrarason niya. Sumasakit ang batok ko sa isa 'to. Kapag ako ay hindi nakapagtimpi, babanatan ko siya nang buo. "Sabi ko na, di ba? Dapat ay si Thomas ang bant
Natasha "I'm not here as a boss; I'm here as a friend." Iyon ang kanyang sinabi, saka tumabi sa akin. Nanlaki ang aking mga mata. Jusko! Aatakehin yata ako sa puso. Bakit bigla-bigla na lang siyang tumatabi sa akin? Hindi ba niya alam na halos mababaliw na ako kapag nasa tabi ko siya? Na kapag magkatabi kami ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko? Ha? Kainis! "Hindi ko kailangan ng kaibigan." Matamlay kong sinabi, saka tumayo. Para smooth iyong pag-alis ko sa tabi niya. Bakit? Ano, mananatili ako sa tabi niya? Para ano? Para magkasama kaming dalawa tapos… kusa nang lalabas itong puso ko sa aking dibdib sa sobrang lakas ng tibok nito? Huwag na 'no! Baka mabaliw pa ako nang tuluyan. Huminga ako nang malalim. Kailangan ko na talagang magseryoso. "Hindi ko naman sinabi sa'yo na need mo ng kaibigan. Ang sabi ko lang, I'm here as a friend. It means I offered myself to you." Napasinghap ako. Paano niya nasasabi ang ganyang mga salit
Mandy’s Pov "H-hindi," natatawa kong sambit dahil nakikiliti ako sa bawat paglapat ng kanyang mainit na kamay sa balikat ko. "Sir, birhen pa ako at isa pa ayoko naman talaga—" Napatigil ako sa pagsasalita nang idiin niya ang kanyang sarili sa aking likuran. Halos kapusin ako ng hininga lalo na
Mandy’s Pov Tahimik ang hapagkainan dahil walang Lucas na panay ang pang-iinis sa akin. Kundi isang Lucas na mabilis ang pagkain upang matapos na agad siya sa kanyang kinakain dahil panay ang pagnakaw sulyap niya sa kanyang phone. Pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa pagkain. Ano ba, Man
Mandy’s Pov “Do you, Lucas Matteo Vergara, take Mandy Mapagkatiwalaan as your lawful wife?” “Yes.” Sagot niya, para bang nasa business meeting lang kami. Walang emosyon. Walang kahit ano. “And do you, Mandy Mapagkatiwalaan, take Lucas Matteo Vergara as your lawful husband?” Napalunok ako
Mandy’s Pov “Rule number one,” panimula niya kahit kakarating lang namin sa mansyon. “Puwedeng umupo muna?” I cut off his words. He glared at me, but I rolled my eyes and sat on the sofa. Ano? Tatayo lang ako habang binabasahan niya ako ng mga patakaran niya. Humanda siya sa akin. Marami pa


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น