Natasha Para akong lantang gulay pag-uwi ko. Mabuti na lamang ay may inaasikasong mahalagang bagay si Tyler, kaya hindi niya ako nakitang ganito. Kasi, paano kung nagtanong siya? Anong sasabihin ko, di ba? At the same time, I want her to be with me. To comfort me. To ease the pain I've felt. Pero pinili ko na lamang na matulog nang may nararamdamang bigat sa puso ko dahil alam kong lilipas din ang lahat ng ito. Ngunit hindi ako makatulog. Palaging naglalaro sa isipan ko ang numero. 74. Natawa na lamang ako. Tanginang 74 'yan! I licked my lower lip. I need to do something. Anything. Kaya kinabukasan, bumalik ako sa opisina ni Mrs. Perez. Mabuti na lamang at wala iyong mga alipores niya, kaya kaagad ko siyang nilapitan. Mukhang wala siyang klase kasi nanonood lang siya ng kung ano sa kanyang cellphone. Sabi nila sa akin ay masyadong gahaman raw siya. Kaya nga halos mayayaman lang ang mga kaibigan niyang estudyante sa loob ng campus. S
Read more