Share

Kabanata 26

Author: Docky
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-29 19:33:58

Mabilis na umiling si Eiden nang bahagya, isang matalim at babalang sulyap ang ipinadala niya sa manager na agad namang nakakuha ng signal.

"I-I mean... Sir! Ma'am!" mabilis na pagbawi ng manager habang hinarap nang may matinding galit ang sales lady. "Bakit mo binabastos ang mga VIP customers natin?! Ikaw ang walang karapatang magpalayas ng mga tao rito! Pumasok ka sa loob, sa back office ngayon din! Bukas na bukas din ay mag-asikaso ka na ng resignation letter mo!"

"P-Pero manager..." gulat a
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 129

    Tumingin si Eiden kina Lander at Roan. Ang kaniyang mga mata na dating puno ng lamig ay bakas na bakas ngayon ang labis na pagnanais, pag-aalala, at purong katapatan.“I... I care about her so much,” maipit at pautal-utal na wika ni Eiden habang humahawak sa kaniyang dibdib, na tila ba masakit ang bawat paghinga roon. “Nasanay ako na narito siya... na nakatitig sa akin, na nakangiti sa akin tuwing umaga. Siya ang nagbigay kulay sa buhay ko…hindi lang pala sa buhay ko. Sa buhay rin mismo ng mga anak ko. Minahal niya at tinuring na kaniya ang mga bata. Araw-araw ay pinaparamdam niya sa amin na hindi man niya kadugo ang mga anak ko…na hindi man nagmula ang mga ito sa kaniya, ay isa kaming pamilya. Nasanay na ako sa presensya niya, sa yakap niya. At ngayong malamig siya sa akin, pakiramdam ko mawawala ako sa sarili ko. Masakit sa akin na hindi niya ako pinapansin, at nakatuon lang ang atensyon niya sa mga anak namin. Daig ko pa ang isang hangin. Mahal ko na si Kiara, Lander, Roan. Mahal

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 128

    Buong biyahe pauwi, naghari ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan. Tulog ang mga bata sa backseat kaya walang nag-iingay, maging si Kiara ay walang imik. Nakatitig lang si Kiara sa labas ng bintana habang mahigpit na nakakuyom ang kaniyang mga kamay sa kaniyang kandungan. Pakiramdam niya ay pinagmukha siyang tanga. Pakiramdam niya ay may napakalaking pader ng lihim na itinatago sa kaniya si Eiden. Pero wala rin naman siyang karapatang magalit dahil parte ng buhay ni Eiden ang ina ng mga anak niya.Lihim na sumusulyap si Eiden sa rear-view mirror at sa tabi ni Kiara, paulit-ulit siyang bumubuntong-hininga. “Kiara, please... makinig ka sa akin. Hindi 'yon ang iniisip mo. Magpapaliwanag ako—”Isinara lang ni Kiara ang kaniyang mga mata at pinalabas ang isang malalim na buntong-hininga. “Pagod ako, Eiden. Gusto ko na lang magpahinga.”Pagkarating sa bahay, agad na bumaba si Kiara at dumiretso sa loob. Sumunod agad si Eiden kay Kiara, desperadong maayos ang gulo bago pa man l

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 127

    “Veronica?” malamig at galit na wika ni Eiden, pilit na ibinababa ang boses para walang ibang makarinig. “Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nagpakita pa?”“I’m just back for business, Eiden,” pormal ngunit sinusubukang maging friendly na sagot ni Veronica. “Naisip ko lang kumustahin ka at ang mga bata. Kamusta na sina Kairo at Kara?”“Wala kang karapatang magtanong tungkol sa mga anak ko,” matalim na putol ni Eiden, halatang nagtatagis ang panga niya sa matinding inis.Naalala ni Eiden ang nakaraan. Dati, noong desperadong naghahanap ng ina ang kambal, nagbayad siya at kinuha si Veronica para magpanggap bilang ina ng mga bata. Ngunit agad ding natapos ang kasunduan dahil ang mismong mga bata ang umayaw at humindi rito hanggang sa tuluyang dumating si Kiara sa buhay nila na buong-pusong minahal at tinanggap ng kambal.“Ang malinaw na usapan natin noon, pagkatapos ng kontrata at matapos kitang bayaran, mananatili ka na sa ibang bansa at kailanman ay hindi ka na magpapakita sa pamilya ko,

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 126

    Naupo si Eiden sa dulo ng mahabang kainan. Dahan-dahan niyang isinandal ang kaniyang likod, at pinag-cross ang kaniyang mga binti. Tinitigan niya sina Olga, Arturo at Precy mula ulo hanggang paa na parang mga insekto lang sa kaniyang paningin.“Arturo, Precy, at Olga...” malamig na pag-uulit ni Eiden sa kanilang mga pangalan. “Gusto niyo ring makipag-invest sa akin, 'di ba? Gusto niyo ng pera mula sa kumpanya ko?”“S-Sir... nagkakamali po kami—” nagmamadaling pakiusap ni Arturo na nanginginig na buong katawan habang nakaluhod na halos sa takot.“Manahimik ka,” mababa ngunit nakakapangilabot na putol ni Eiden. Agad na napatikom ang bibig ng matanda.Inangat ni Eiden ang kaniyang tingin kay Olga, na ngayon ay wala nang maiiyak dahil sa matinding hiya at takot habang nakayuko.“Olga... tinawag mo akong drayber lang, 'di ba? At pinagkaisahan niyo ang asawa ko sa departamento niyo,” dahan-dahang wika ni Eiden. “At ikaw, Arturo... naglakas-loob kang ibenta at ipagkanulo ang sarili mong anak

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 125

    Bandang alas-siyete na ng gabi, nag-uumapaw sa saya sina Arturo, Precy, at Olga habang naglalakad sila sa marangyang lobby ng isang kilalang five-star hotel. Nakasuot sina Precy at Olga ng kanilang pinakamagagandang designer dresses at mamahaling alahas, habang si Arturo naman ay pormal na pormal sa kaniyang mamahaling tuxedo.“Diyos ko, Arturo! Tingnan mo naman ang lugar na 'to!” tuwang-tuwang pabulong na wika ni Precy habang nakakapit sa braso ng asawa niya. “Ibang klase talaga kapag ang mismong CEO ng Fierro Group ang nag-imbita sa iyo! Ibig sabihin lang niyan, napaka-importanteng tao mo para sa kanila!”Medyo nanginginig ang mga kamay ni Arturo habang inaayos niya ang kaniyang bowtie, ngunit nakatayo pa rin siya nang nakataas ang noo. “Dapat lang, Precy. Medyo nagkakaproblema man ang mga negosyo natin nitong mga nakaraang buwan, kapag nakuha ko ang investment at suporta mula sa mga Fierro ngayong gabi, hindi lang maisasalba ang kumpanya natin…magiging isa na tayo sa mga pinakamaya

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 124

    Sa pinakamataas na palapag ng Fierro Group Building, nakatayo si Eiden sa tabi ng floor-to-ceiling glass window habang nakatanaw sa buong lungsod. Hawak niya ang isang tasa ng kape, ngunit ang kaniyang mukha ay mayroong walang katapusang pormalidad at ginaw. Sa harap ng kaniyang dambuhalang mahogany desk, nakatayo si Enzo na may hawak na isang makapal na kulay itim na folder.“Sir Eiden,” panimula ni Enzo matapos ayusin ang kaniyang salamin sa mata. “Natapos ko na po ang inuutos niyo.”Bahagyang ibinaling ni Eiden ang kaniyang tingin. “Ano ang nalaman mo?”Huminga nang malalim si Enzo bago binuksan ang folder. “Napakasama po ng naging trato sa kaniya ng sarili niyang ama na si Arturo, pati na ng kaniyang stepmother at step sister. Mula nang mamatay ang tunay na ina ni Ma'am Kiara, ginawa na siyang parang utusan sa sarili nilang tahanan. Pero hindi lang po roon nagtatapos ang lahat, Sir.”Dumiin ang hawak ni Eiden sa kaniyang tasa. “Magpatuloy ka.”“Bago po kayo magkakilala ni Ma'am K

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 4

    Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro s

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 13

    ‘Akala ko ba, gold digger siya?’ sa isip-isip ni Eiden. Naging malikot ang kaniyang mga mata. Medyo nalilito na siya sa tunay na katauhan ng babae.Napatitig muli kay Kiara si Eiden. Ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakaawang ngunit walang salitang lumalabas. Sa buong buhay niya bilang isang maka

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 8

    “Kairo, what the hell are you doing? Ibinubugaw mo ang sarili mong ama sa babaeng hindi mo naman lubusang kilala? Are you out of your mind? At saka, bakit ba hindi kayo nangongo-po sa akin ha?” may inis na turan ni Eiden ngunit hindi siya pinansin ng kaniyang anak.Mas lumapit pa si Kairo sa babae.

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 5

    Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling bumaba si Eiden. Agad na nag-unahan ang kaba at galit sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mabilis na pagtakbo ng kambal patungo sa madilim at mataong bahagi ng parke.“Kairo! Kara! Bumalik kayo rito!” sigaw ni Eiden, ngunit tila

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status