Ilang sandali pa, matapos ang aming tawanan, ay nakita ko ang biglaang pagbago ng ekspresyon ng kanyang mukha. Unt-unting naglaho ang ngisi niya at naging seryoso ito.Kasabay niyon ay ang unti-unti ring pagpawi ng ngiti sa sarili kong mga labi.Dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto ko at umupo sa mismong sahig, eksaktong kaharap ng aking mga binti bago niya maingat na kinuha ang aking dalawang palad upang hawakan nang napakahigpit."I really, genuinely want to be there with you too, Maya... para naman may kasama ka kung sakaling gipitin ka na naman ng mga Sandoval doon. Pero siyempre, gusto ko rin na hayaan ka muna na mag-enjoy kasama si Tala. Basta... pakiusap ko lang sa'yo, mag-iingat ka palagi roon, ah. Don't you ever let anyone of them dictate your life and hurt your feelings ever again. Kapag may problema, tawagan mo lang ako, okay?" malambing at puno ng pag-aalala niyang saad habang nakatitig sa mga mata ko.Alam na alam niya kasi na nandoon ang buong pamilya ni Nikolai, kaya na
Read more