This is exactly what Luna told me before. Ito 'yung paulit-ulit niyang sinasabi sa akin. To not fall too damn deep. Mag-iwan ng para sa sarili para kapag dumating ang dulo, hindi masyadong masakit. Pero putris naman, oh... Sobrang sakit.Ang tanga-tanga ko para maniwala sa bawat galaw, haplos, at mga mabulaklak na salita niya. I was just too stupid to let my guard down and fall straight into his trap. Ang lahat ng ipinakita niya, it was all just a part of our cheap contract. No special meaning, no real feelings, just a business arrangement to protect his family and satisfy his self.Nagkulong ako sa loob ng aking kwarto nang gabing iyon. Hindi ko na alam kung umalis ba siya agad o nanatili magdamag, basta ang tanging sigurado ako ay hinding-hindi na ako muling nagpakita sa kanya.I cried everything out that night. Ang gulo, takot, at sakit na unti-unting pumapatay sa utak ko ay idinaan ko na lang sa walang humpay na luha hanggang sa makatulog ako sa pagod.Kinaumagahan, matagal akon
Read more