It's so hard to see a child crying. Masakit.Sa araw na iyon, hindi ko alam kung paano napapayag ni Nikolai si Tala na umalis. Gusto ko siyang isama, pero alam ko namang hindi pwede. She may be my daughter by heart, but I’m not her biological mother. Kahit ngayon, naalala ko pa rin ang iyak niya, ang pagmamakaawa niya. It's still fresh in my memory."G ka ba bukas, Maya? Bar tayo!" biglang sulpot ni Luna sa gilid ko.Nakaupo ako ngayon sa terrace, tinatanaw si Angelo na nakikipaglaro ng basketball kasama si Jake sa backyard ng bahay nila.Nilingon ko ang kaibigan ko. "Busy ako, Luna. At hindi rin naman papayag si Angelo, saka bibisita pa ako kay Lola," walang gana kong sambit.Si Chloe naman ay kasalukuyang nasa kusina, nagluluto.Umirap si Luna sa akin at bigla akong hinampas sa balikat. "Tangina mo ah! Seven years kang nawala, ate, tapos pagbalik mo wala man lang tayong gala? Saka huy! Bruha ka!" dinuro niya ako sa mukha. "Seven years nang walang dilig iyang k*pay mo, ano ba iyan,
Read more