Naging maingay at magulo ang hapag-kainan dahil na rin sa walang tigil na kakulitan at kadaldalan ni Tala, na sinasabayan pa ng malalakas na boses at asaran nina Luna at Chloe tungkol sa kung sino ang mas magaling magluto."Hoy, Sandoval! In fairness, masarap itong niluto mong kare-kare, ah! Pwede ka nang maging kusinero sa karinderya ko kapag naghirap ka!" tawa ni Luna habang punong-puno ang bibig."Excuse me, Tita Luna. My daddy is a high-class business tycoon, hindi siya bagay sa karinderya!" mataray na depensa ni Tala habang nagpupunas ng bibig gamit ang tissue."Aba, itong batang ito, protective sa daddy niya! James, tignan mo nga itong inaanak mo, parang si Nikolai kung magtaray!" asik naman ni Luna kay James na tawa lang nang tawa sa tabi habang kumakain.Si Angelo naman ay tahimik lang sa tabi ko, ngunit tuwing may ilalagay na karne si Nikolai sa kaniyang plato magpapasalamat siya nang mahina, na sapat para mapangiti ang kaniyang ama.Matapos naming maghapunan ay agad na kamin
Read more