"Our room is connected, Angelo, so if you need Ate, you can just go straight to my room. I won't mind at all," malambing na sabi ni Tala habang abala sa pag-aayos at pagpapasok ng mga bagong t-shirt ng kaniyang kapatid sa loob ng walk-in closet.Pagkatapos ng eskandalong nangyari sa hotel ballroom, agad na nagdesisyon si Nikolai na ilipat na kami rito sa kaniyang penthouse.Ayaw pa sana kaming paalisin ni Luna doon dahil gusto niya pa kaming makasama, pero sadyang nahihiya na rin ako sa kanilang dalawa ni Jake dahil masyado na kaming nagiging abala, kaya sumang-ayon na ako sa hiling ni Nikolai. Umuwi naman na si Chloe sa sarili niyang condo, at nangako siyang madalas kaming bibisitahin dito para magdala ng pagkain at chismis."If I need anything, I must go to Mommy's room, not yours. You're too noisy," seryoso at walang emosyong sagot naman ni Angelo habang maingat na inilalagay sa kaniyang bookshelf ang mga paborito niyang libro.Nakasandal ako ngayon sa hamba ng pintuan ng kwarto ni
Read more