ANMELDENTHIRD PERSON:Sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman, tuluyan nang nawalan ng kontrol si Sera sa kaniyang emosyon. Ang bawat salitang binitawan ni Damian ay parang muling tumusok sa kaniyang puso, lalo na ngayong hindi na niya maitanggi sa sarili na mahal na niya ang tycoon. Ngunit heto na naman ito, parang wala pa ring pakialam sa kaniyang nararamdaman at handa na namang kunin at gamitin ang kaniyang katawan na para bang iyon lamang ang halaga niya.Sa tindi ng sakit at galit na matagal niyang kinikimkim, hindi na nakapagpigil pa si Sera. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang mabilis niyang iniangat ang isa at buong-lakas na sinampal si Damian sa pisngi.“G-Ganyan ka na ba talaga, Damian? G-Ganiyan na lang ba ka-kaliit ang tingin mo sa akin?!” nanginginig at halos hindi na maayos na mabigkas ni Sera ang kaniyang mga salita habang umiiyak.“La-Laruan na lang ba talaga ako para sa iyo? Ka-Kapag nagsawa ka na… pwede mo na lang akong itapon… ta-tapos pupulutin mo ulit kapag kailan
SERA'S POV:Nang mapansin ni Damian ang napasong daliri ko, nakita kong biglang naglaho ang malamig at matigas na ekspresyon sa kaniyang mukha. Mabilis siyang lumapit sa akin nang walang anumang pag-aalinlangan.Kanina, sa sobrang gulat at kaba ko sa biglaang pagdating niya, halos nakalimutan ko na ang mainit na tray na dahilan ng pamumula ng balat ko. Ngunit habang papalapit siya sa akin, saka ko lamang muling naramdaman ang matinding hapdi ng pagkakapaso ng aking daliri. Parang sabay-sabay bumalik ang sakit at ang panginginig ng buo kong katawan.Bago ko pa man maitago ang kamay ko sa likod ko, naramdaman ko na ang malalaki at maiinit niyang palad na marahang humawak sa mga daliri ko. Maingat niya iyong iniangat upang tingnan ang namumulang balat dahil sa pagkapaso, at sa sandaling iyon ay parang biglang huminto ang paghinga ko."Napakalampa mo pa rin," mababa niyang bulong. Kahit malamig ang kaniyang boses, hindi ko maikakailang may bahid pa rin iyon ng pag-aalala.Napakunot-noo ak
THIRD PERSON:Sa kabilang kalsada ay dahan-dahang huminto ang isang mamahaling itim na sasakyan. Nakatago ito sa bahagyang lilim ng mga puno, ngunit mula sa loob ay kitang-kita ang maliit at payapang bahay na ngayon ay nagsisilbing bakery ni Sera, ang lugar na ilang araw ng gustong makita ni Damian.Mula sa madilim na tinted window ay tahimik na pinagmamasdan niya ang lugar.Ilang araw niyang ipinahanap si Seraphina, at nang sa wakas ay matunton ni David ang kinaroroonan ng dalaga, hindi napigilan ng tycoon ang sariling personal na puntahan ito. Ngunit sa halip na direktang lumapit, sinadya niyang iparada ang sasakyan sa bahaging sapat lamang upang malinaw niyang masilayan ang bahay ng dalaga nang hindi siya napapansin.Maliit lamang ang lugar, malayo sa marangyang mundong nakasanayan ni Damian, ngunit halatang maayos at puno ng buhay. Sa harap ng bahay ay may simpleng karatulang "Sera’s Bakery", at mula sa bukas na bintana ay umaalpas ang amoy ng bagong lutong tinapay.Ngunit bago pa
THIRD PERSON: Sakto namang kakasalin pa lang ni Damian ng alak sa kaniyang baso nang dumating si Lauren. Bahagyang napangisi naman ang tycoon habang papalapit ito sa kanya na may manipis na galaw ng pangaakit. Sa loob ng isang buwan na wala si Sera sa penthouse, walang ibang ginawa si Lauren kundi subukang burahin si Sera sa kaniyang isip at ibalik ang pagnanasa nito sa kaniya, ngunit lalo lang ginugulo ni Sera ang kaniyang katinuan.Mas lalo lang siyang nananabik na maramdaman ulit ang lambot at init ng katawan ng dalaga. Walang imik parin na ipinagpatuloy lang ni Damian ang pag-inom ng alak dahil alam na niya ang susunod na gagawin ni Lauren. Isa-isang hinubad ni Lauren ang kaniyang mga damit. Pilit man niyang tanggapin ang init ni Lauren, tanging si Sera pa rin ang nasa kaniyang isipan at ang tanging nakakapagpabalik ng init sa kaniyang katawan. Hanggang sa nagsimula nang lumingkis si Lauren sa kaniya, ngunit wala pa ring reaksyon ang ang kanyang katawan. Dahil dito, inis ang muk
THIRD PERSON:Tahimik lamang si Damian habang nakatayo sa harap ng napakalaking glass wall ng kaniyang opisina. Mula roon ay kitang-kita ang makukulay na ilaw ng lungsod at ang walang tigil na paggalaw ng mga sasakyan sa ibaba.Nakapaloob sa kaniyang bulsa ang isang kamay, habang ang isa naman ay mahigpit na nakahawak sa baso ng alak. Ngunit kahit ganoon, halatang malayo ang kaniyang isip.Ilang sandali siyang nanatiling walang imik bago marinig ang marahang pagbukas ng pinto."Sir Damian," maingat na tawag ni David habang papasok sa opisina. "Nandito na po ang kumpletong impormasyon tungkol kay Seraphina."Hindi agad sumagot si Damian. Nanatili lamang siyang nakatanaw sa labas ng siyudad.Lumapit si David at iniabot ang makapal na folder na naglalaman ng lahat ng detalye tungkol sa buhay ni Seraphina, ang kaniyang pamilya, mga naging trabaho, pinag-aralan, at maging ang ilang lumang rekord na pinahukay ni Damian.Ngunit sa halip na kunin agad iyon, marahan munang napabuntong-hininga
THIRD PERSON:Tahimik na nakaupo si Damian sa loob ng kaniyang sasakyan habang mahigpit na hawak ang lumang litrato ni Sera, isang kuhang apat na taon na ang nakalipas.Sa larawan ay nakangiti ang dalaga, payak lamang ang kasuotan at walang bahid ng sakit o poot sa kaniyang mukha. Ngunit sa sandaling masdan iyon ni Damian, tila may kung anong mabigat na alaala ang muling bumukas sa kaniyang isipan.At tulad ng isang bangungot na matagal niyang pilit ibinabaon sa limot, bigla siyang binalikan ng lahat.FLASHBACK — FOUR YEARS AGOMula sa loob ng itim na sasakyan, tahimik na pinagmamasdan ni Damian ang kaguluhang nagaganap sa tapat ng maliit na bahay nina Sera.Naroon ang mga rescuer, kapulisan, at mga tauhan ng punerarya. Ngunit ang pinakamatinding tumimo sa kaniya ay hindi ang malamig na bangkay nina Mang Kanor at Aling Lucy, kundi ang matinding pagdadalamhati ng kanilang panganay na anak."NAY! TAY! GUMISING KAYO!!!"Nanginginig si Sera habang halos niyuyugyog ang walang buhay na kata







