Isang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig mula kay Zoren. Sa tingin ko naman ay naka-save naman sa cellphone niya 'yong phone number ko.“E ano naman 'yon sa 'yo? Nakakalimot ka na naman na personal maid ka lang niya? Sabi mo nga 'di ba, fuckboy siya. E, baka naman nag e-enjoy sa Boracay at nakalimutang sinabi niya pala sa 'yong gusto ka niya,” mahabang litanya ni Cathy.Kumunot ang noo ko. May kung ano sa dibdib kong hindi kayang tanggapin ang mga sinabi niya.“Alam mo ikaw... Hindi ko talaga maintindihan kung pabor ka ba kay Zoren para sa akin o hindi. E, last week lang ay halos punuin mo ng mga positibong dahilan ang ulo ko para lang bigyan ko si Zoren ng chance tapos ngayon mga negatibong bagay naman!”Bumuntonghininga siya. “E, ikaw naman kasi. Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman mo para sa kanya. Umaakto kang gusto mo pero taliwas naman sa mga sinasabi mo. Sus! Indenial ka lang, e.”“Hindi ako indenial no!”Tinalikuran ko si
最終更新日 : 2026-06-29 続きを読む