"Oh! Ayan na pala ang boyfriend mo," agad kong sabi upang pigilan si Lumina sa pagsagot sa tanong ko.Tumayo ako at sandaling yumuko. "Magandang hapon po, Mr. Buenaventura," sabi ko bago muling naupo.Naupo si Dwayne sa tabi ni Lumina."Mukhang seryoso ang pinaguusapan niyo ah?"Nagkatinginan kami ni Mina. Pinagtaasan ko siya agad ng kilay. Humanap siya kamo ng sarili niyang palusot. Idadamay pa yata ako."Ahh . . . Kung ano-ano lang naman 'yon," pilit ang ngiting tugon niya kay Dwayne.Hays, Lumina!"Dwayne, hindi man lang ba ako pauupuin nitong empleyado mo?" singit ni Zoren na nagpabuntonghininga sa akin.Kailangan talagang pumapel? Pwede naman siyang maupo na lang dito sa tabi ko. Kailangan pa ba ng permiso?Tatayo na sana ako upang ipaghila siya ng upuan pero natigil nang nagsalita si Dwayne."Dude, maupo ka mag isa. Huwag kang pa-espesyal!"Hindi ko naiwasan at napahagikhik ako."Where's our friendship, Dwayne? Ipinapahiya mo ako sa nililigawan ko," reklamo ni Zoren.Napairap ak
Huling Na-update : 2026-07-01 Magbasa pa