Cara Isang hakutan lang ang ginawa namin. Nakarating din agad kami sa bayan at mabuti na lang wala pa masyadong tao. Alam ng lahat na may mga free na pastries at coffee mula sa aming shop, kaya halos lahat ay dadalo ngayong araw. "Isang napakahaba at nakakapagod na araw ito." Bulong ni Yna sa akin. "Hayaan mo na, at least malaki ang kita natin dito," bulong ko pabalik. Ngumisi naman siya dahil mukha naman kaming pera dalawa. Nang maayos na namin ang lahat at nasa tamang place na, gaya noon, ganoon pa rin ang ginagawa namin. Isa-isa na ring nagsilapitan ang mga tao at nag-order ng gusto nila. Noong una, mabilis lang ang lahat dahil hindi pa ganoon karami, pero nang mag-alas otso na ng umaga ay halos nagdagat na ang dami ng tao, nalula kami. Kaming apat lang, tapos ang iba ay demanding pa dahil ang tagal ng order nila. Apat lang kami! "Ano ba, ang tagal naman ng avocado shake ko." "Ako rin, iyong matcha ko kanina ko pa inorder, pero hanggang ngayon wala pa
Last Updated : 2026-07-22 Read more