Cara "Mama," tawag sa akin ng anak ko. "Yes, baby?" Hinalikan ko siya sa kanyang noo nang magharap kaming dalawa. Pinaupo ko siya sa sofa katabi ko dahil tinutupi ko ang nilabhan ko kagabi. "What do you want, Ethan?" "Hindi po ba babalik si Papa?" My eyes widened, tapos ay natawa kahit wala namang nakakatawa para lang alisin ang tensyon sa pagitan namin. "Di ba I told you, baby, that Papa is busy." Bigla na naman siyang napanguso, kaya hinalikan ko ang kanyang mga labi. "Busy si papa, anak. Saka, kapag may time siya, okay?" Tumango siya, pero alam kong malungkot pa rin siya at wala akong magagawa tungkol sa bagay na iyon. "Basta, anak ha, magpakatatag ka dahil alam ko naman na hihintayin mo si Papa kahit anong mangyari, 'di ba?" "Opo," magalang niyang sinabi. Niyakap ko siya nang patagilid. Napangiti ako dahil, kahit papaano, natutuwa ako na mayroon akong anak na handang makinig at sumunod sa lahat ng gusto ko. Sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng sit
Última atualização : 2026-07-28 Ler mais