Cara "So the malandi is finally back to open her shop after being with the business partner of my husband, huh?" Kanina lang, nagtatawanan kami habang wala pang customer dahil sa kuwentuhan namin. Nang tumunog ang bell sa entrance, buong akala namin ay may customer kaming dumating, pero demonyo pala ang bumungad sa amin. Si Mrs. Enriquez ay naka-bodycon na damit na hapit na hapit sa kanyang katawan. Kung titingnan mong mabuti, parang bata pa siya. Sa postura, mukha, at kilos niya, maarte siya at higit sa lahat, mayaman. Kahit magkaroon ka ng problema sa buhay mo, ipaalis mo na lang iyan gamit ang pera mo. Napakadali lang no'n. "Ayoko po ng gulo, Mrs. Enriquez." Tatalikod na sana ako dahil gusto ko nang bumalik sa aming ginagawa nang bigla siyang nagsalita. "Anong ginawa mo kay Mr. Peralta? Ginayuma mo ba siya? Nagmakaawa ka ba na iahon ka sa kahirapan at makapunta man lang sa Manila ha?" Sunod-sunod niyang tanong na May panlalait. I would give her my answer so she would
Last Updated : 2026-07-24 Read more