ZYLA SANDRA SARCOVA“Miss Zyla!”Masiglang bati sa akin ng buong team pagdating ko.Tumayo pa agad si Jace at pinaghila niya ako ng upuan.Nandito kami ngayon sa isang casual na unli seafood and grill restaurant sa Manila. Mahaba ang table namin, punong-puno ng hipon, talaba, pusit, tahong, at kung anu-ano pang puwedeng ihawin.“Thank you, Jace.”Yumuko pa ang makulit na si Jace na parang royal servant.“Your seat, Your Highness.”Napailing ako habang natatawa.“Okay, okay… since Miss Zyla is here, let's start eating!” masiglang sabi ni Jessa.Nandito na nga kasi ang lahat. Ako na lang ang hinihintay nila. Late naman kasi ako, eh.Paano kasi, no’ng tini-text nila ako kanina, lutang lang akong nakatitig sa phone screen ko. Hindi ko man lang halos binasa nang maayos ang mga message nila.Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko ang kalokohang pinagsasabi ni Zailyn kanina.‘Yong baby brother.Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang idea na iyon.Ang mas nakababahala, parang may kung anong ka
Last Updated : 2026-08-28 Read more