ZYLA SANDRA SARCOVAMatapos ang gabing sapilitang matulog kaming magkakatabi sa maliit na kama sa ospital, hindi ko na nakita si Zadrick.Tatlong araw na mula nang makalabas si Zailyn sa ospital.At simula no'n, silang dalawa na lang ni Zailyn ang laging nagkakausap sa telepono.Ngayon nga, eh. Nasa video call na naman sila.“Daddy, when are you coming here? I miss you so much.”Sumulyap sa akin si Zailyn.Nagkunwari naman akong abala sa laptop at hindi ko siya napansin.“Soon, baby. I miss you too, but I’m really busy right now.”Humaba ang nguso ni Zailyn habang nakatingin lang sa screen.Habang ako, napabuntong-hininga naman.Kasi alam ko namang gustong-gusto niyang makita at makasama ang anak namin, pero ayaw niya akong makita.Ramdam ko 'yon sa klase ng tingin niya. Sa tuwing umiiwas siya kapag nagkakasalubong kami sa headquarters.Kaya hindi na rin ako nagtangkang kausapin siya.Baka masupalpal pa ako.“Bye, Daddy…” Matamis na ngumiti si Zailyn, pero malungkot ang mga mata niya.
Last Updated : 2026-08-24 Read more