ZAILYN“Ate Zai!”Hindi pa ako nakakahakbang nang maayos nang sinalubong na ako ni Zhaion at mahigpit na niyakap.“Ate, buti naman, naalala mo pa kami…” Humaba ang nguso niya habang nakatingala sa akin.Pinisil ko ang pisngi niya.“Busy lang ako. Never ko kayo makakalimutan.”“Ako rin naman, busy, but I still have time to call you…”“Busy saan?” singit naman ni Zihan habang yumayakap din sa akin.“Siyempre, sa pag-aaral…”“Pag-aaral o sa girlfriend mo?”“Anong girlfriend?” Tumikhim si Zhaion.Tinawanan naman siya ni Zihan. Itinuro pa ang mukha ng bunso.“Uy, namumula!” tukso pa nito.Pati ako, natawa dahil totoong namumula si bunso.Well, grown-up na siya. Natural lang na magkagusto na siya sa babae.“Hindi ako namumula!”“Oo na, hindi ka na namumula. Mukha ka lang kamatis!”“Kuya, tumigil ka nga!”Napailing ako habang natatawa. Wala talagang nagbago sa mga kapatid ko. Makukulit pa rin. Nagtutuksuhan hanggang sa may mapikon, pero they always have each other's backs.“Zailyn! I missed y
Última actualización : 2026-10-16 Leer más