ZAILYNSasagot na sana si Zihan, pero mabilis kong tinakpan ang bibig niya bago pa siya makapagsalita.“I'm his babysitter,” sagot ko, sabay ngiti kay Nicolo.Isang awkward na ngiti na sana naman ay kapani-paniwala.Nanlaki ang mga mata ni Zihan habang nakatingin sa akin. Si Nicolo naman ay bahagyang nakaawang ang bibig habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.“Babysitter?”Lihim kong kinurot ang likod ni Zihan.Napangiwi siya at agad na tumango-tango. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ko at inalis iyon sa bibig niya.“Ouch, 'te,” pabulong niyang reklamo bago muling tumingin kay Nicolo. Bahagya pa siyang lumayo sa akin habang hinihimas ang likod niya.“Wait, magkakilala kayo?”Sabay kaming tumango ni Nicolo.“Paano? Saan kayo nagkakilala? At gaano na katagal?”Napangiwi ako sa sunod-sunod niyang tanong. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging imbestigador.“Customer ko siya,” agad kong sagot.Hihilahin ko na sana si Zihan palayo, pero mabilis siyang umatras at nana
Última actualización : 2026-10-20 Leer más