ZAILYNPagkababa ng tawag, bumaling sa amin si Nicolo.“I'll drive you home,” sabi niya, na para bang hindi siya apektado sa tawag ng mommy niya.“Hindi na kailangan,” mabilis ko siyang tinanggihan. “May sasakyan kami.”Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Hinila ko na sina Zihan at Zhaion palapit sa kotse namin.“Ate Zailyn, wait. Hindi ka man lang magpapaalam nang maayos?” reklamo ni Zihan habang sumusunod sa amin.“Magpapaalam kanino?”Napatingin siya sa likuran namin. “Kay Nicolo, siyempre!”“Bakit? Kailangan ba?”“Ang sungit mo talaga! Pinagtanggol ka niya, Ate. Maging mabait ka naman.”“Gano'n? Pero gusto kong maging salbahe ngayon, at ikaw ang gusto kong unang makatikim.”“Ate, naman, eh!”Napailing na lang si Zhaion at naunang pumasok sa kotse. Pero halatang natatawa siya sa pagtatalo namin ng kuya niya.“Tumatayo-tayo ka pa riyan?” sabi ko kay Zihan, na nakatingin pa rin kay Nicolo, na abala na naman sa phone niya. “Zihan! Magmaneho ka na!”“Fine!” taas-kamay niyang sagot bag
Última actualización : 2026-10-30 Leer más