LOGINGoodnight...
ZAILYNKinabukasan.Pagkabukas ko ng p***o, bumungad agad sa akin si Nicolo.May dala siyang kape at isang bouquet ng bulaklak. Siyempre, hindi rin mawawala ang matamis niyang ngiti at ang pamatay na pagbati."Good morning, girlfriend."Napahawak ako sa dibdib ko.Susmaryosep!Parang bigla akong naiihi sa kilig. Salubungin ka ba naman ng isang lalaking guwapo, yummy, fresh at napakabango pagkagising mo?Kung hindi lang ako marunong magpigil ng sarili, baka kanina pa ako bumigay.Feeling ko nga, malalaglag na ang panty ko sa harap niya.Kasi naman, kinakagat-kagat pa niya ang ibabang labi habang nakatingin sa akin. Para bang sinasadya niyang akitin ako gamit lang ang simpleng ngiti niya.Napahigpit tuloy ang hawak ko sa doorknob.Ano ba? Hindi pa nga ako nakakapagkape, ganito na agad ang epekto niya sa akin?"Good morning," bati ko rin habang tinatanggap ang kape at mga bulaklak.Pinilit kong kinokontrol ang sarili ko. Huwag lumapit. Huwag yumakap sa leeg niya. At higit sa lahat, huwag
ZAILYNIlang beses kong binasa ang message ni Nicolo bago ako tuluyang nag-reply.“Did my mother contact you?”“Yes. She invited me for coffee.”Kadarating ko lang sa apartment. Hindi pa nga ako nakakapasok, pero mensahe na niya agad ang bumati sa akin.Tuluyan kong binuksan ang pinto at pumasok. Isinara ko iyon gamit ang paa. Saka ko inilapag ang bag ko sa sofa. Saktong nag-vibrate ulit ang phone ko.“I'm sorry about that.”Napakunot-noo akong napaupo sa sofa.“Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman ako tinarayan ng mommy mo.”Segundo lang, nag-reply agad siya.“Hindi ka nga tinarayan, sigurado namang kinulit ka.”Napangiti ako. Talagang close sila ng mommy niya. Kilalang-kilala niya ang ugali nito.Parang kami rin ng family ko. Minsan, hindi mo na kailangang magkuwento dahil alam na agad nila kung paano umasta ang isa't isa.“Mas makulit ka kaysa sa mommy mo.”“Hindi, ah…” kaagad niyang reply.Napailing ako habang nakatingin sa screen.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?”Sinasabi
ZAILYN“May date ka?”Napatingin ako kay Khieran.Nasa laboratoryo kami at inaayos ang ilang dokumentong kailangan para sa susunod na phase ng research. Pero mukhang mas interesado siyang alamin kung bakit ilang beses nang tumunog ang phone ko kaysa sa mga report sa harap niya.“Wala…”“Then why are you smiling at your phone?”Agad kong pinatay ang screen.“Hindi ako nakangiti, 'no.”Sinilip niya ang mukha ko at ngumiti nang nakakaloko.“Umayos ka na nga, Khieran.”“Maayos ako. Ikaw ang hindi… Tumatawa ka, wala namang nakakatawa.”Napakagat ako sa ibabang labi habang tinataasan ko siya ng kilay.Kunwari'y natakot siya. Kinuha niya ang isang folder at inilapag sa harap ko.“Check these figures. I need your assessment before I send the report to Professor Tobias.”Binuksan ko iyon at sinimulang basahin.Ilang minuto kaming naging abala sa trabaho bago muling tumunog ang phone ko.Napatingin ako sa screen.Si Nicolo na naman.Are you free tonight?Hindi ako agad sumagot.May kasunod agad
ZAILYNMay narinig akong mahinang pagtatalo sa labas.Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila dahil pawang pabulong ang mga boses.Dahan-dahan akong sumilip sa peephole at nanlaki ang mga mata ko.Si Nicolo ang isa sa dalawang taong nakita ko kanina. Nasa tabi niya ang babaeng kasama ni Olivia kagabi. Ang mommy niya.May dalawang lalaking nakatayo sa magkabilang gilid ng babae. Mukhang mga bodyguard.“Mom, let's go,” mariing sabi ni Nicolo.“Not until I talk to her.”Napakurap ako.Bakit niya ako kakausapin?Babayaran niya ba ako ng milyon para layuan ko lang ang anak niya, gaya ng mga napapanood ko sa telebisyon at nababasa sa mga libro?“Mom, naman, eh…” Nahagod na ni Nicolo ang buhok niya. Parang napupuno na siya sa mommy niya.“We're disturbing everyone. Let's go.”“We wouldn't be disturbing anyone if you weren't so against me meeting—”“Mom!” Tumaas ang boses ni Nicolo, dahilan para manahimik ang mommy niya.“Why are you being so paranoid? I'm not going to do anything to her,
ZAILYNPagkababa ng tawag, bumaling sa amin si Nicolo.“I'll drive you home,” sabi niya, na para bang hindi siya apektado sa tawag ng mommy niya.“Hindi na kailangan,” mabilis ko siyang tinanggihan. “May sasakyan kami.”Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Hinila ko na sina Zihan at Zhaion palapit sa kotse namin.“Ate Zailyn, wait. Hindi ka man lang magpapaalam nang maayos?” reklamo ni Zihan habang sumusunod sa amin.“Magpapaalam kanino?”Napatingin siya sa likuran namin. “Kay Nicolo, siyempre!”“Bakit? Kailangan ba?”“Ang sungit mo talaga! Pinagtanggol ka niya, Ate. Maging mabait ka naman.”“Gano'n? Pero gusto kong maging salbahe ngayon, at ikaw ang gusto kong unang makatikim.”“Ate, naman, eh!”Napailing na lang si Zhaion at naunang pumasok sa kotse. Pero halatang natatawa siya sa pagtatalo namin ng kuya niya.“Tumatayo-tayo ka pa riyan?” sabi ko kay Zihan, na nakatingin pa rin kay Nicolo, na abala na naman sa phone niya. “Zihan! Magmaneho ka na!”“Fine!” taas-kamay niyang sagot bag
ZAILYN“Girlfriend?!”Inis na napasigaw si Clark.Gusto kong lamunin ako ng lupa.Lalo na nang mapansin kong nakatingin na sa amin ang mga tao sa paligid. May ilan pang halatang nakikiusyoso sa nangyaring suntukan, habang ang iba naman ay nakatingin sa akin at kay Nicolo.Samantalang si Nicolo, parang walang pakialam sa mga matang nakatutok sa amin.Nakatingin lang siya sa akin.At ang mas malala, may simpatikong ngiti sa mga labi niya, na para bang aliw na aliw siyang panoorin akong mamula sa hiya.Gusto ko tuloy siyang batukan.“Nicolo, ang lupit mo!” humanga si Zihan, na para bang ang angas ng pagsuntok ni Nicolo kay Clark. “Isang suntok lang, bagsak agad!”“Deserved,” maikling sagot ni Nicolo.Tumango-tango pa si Zhaion. “Tama naman. Ang kapal ng mukha ng lalaking ’yon.”Napalingon ako sa mga kapatid ko.Iba rin talaga ’tong mga kapatid ko. Ako ang tinawag na girlfriend, pero parang sila pa ang mas kinilig!“Uuwi na tayo,” mabilis kong sabi.Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Na







