Tumango ang Chief of Police at agad na ibinigay ang utos sa kanyang mga tauhan."Dalhin niyo na siya sa labas at isakay niyo na 'yan sa patrol car!" utos ng opisyal habang marahas na hinihila ng dalawang pulis si Jena palabas ng conference room.Nagwawala at sumisigaw pa rin si Jena habang ibinabyahe sa kahabaan ng hallway, kung saan nakatitig sa kanya ang lahat ng nurse, doktor, at mga pasyente ng ospital. Ang kanyang ginawang paninira ay pabalik na ngayong lumalamon sa kanyang sariling buhay at karera.Nang muling tumahimik ang conference room, inayos ni Marco ang kanyang suit jacket. Ang kanyang mukha ay nanatiling seryoso, sa kabila ng mga nangyari.Bumaling si Marco kay Angel na patuloy na nagpupunas ng luha. "You did the right thing by telling the truth," malamig ngunit makatarungang wika ni Marco. "My legal team won't file charges against you, but the hospital administration will handle your internal disciplinary evaluation.""M—Maraming salamat po, Mr. Barcelona... Pasensya na
Last Updated : 2026-09-21 Read more