"Woah, calm down, brother," tawa-tawang pabalang ni Knoxx habang itinataas ang dalawang kamay sa hangin bilang tanda ng pagsuko. "Napakainit naman ng ulo mo gayong ang aga-aga pa. Nagdala lang naman ako ng bulaklak at prutas para sa hipag ko."Sumulyap si Marco sa bouquet na galing sa sarili niyang greenhouse, bago muling pinalutang ang kanyang malamig na tingin sa kapatid."From my greenhouse," malamig at may diin na panggigipit ni Marco habang dahan-dahang lumalapit sa kama."At least ako ang kumuha diba? It's the effort that counts," pagdadahilan pa nito."I don't care. Now, get out and eat your breakfast in the dining room before I actually do what I just said.""Okay, okay! Aalis na po, Boss Marco," nakatatawang sagot ni Knoxx bago bumaling kay Chantal at kumindat. "Pagpasensyahan mo na 'yang asawa mo, Chantal. Ganyan yata talaga kapag tumatanda na.""Knoxx..." amba ni Marco sa mababang, nakapanghihilakbot na boses.Mabilis na tumakbo si Knoxx palabas ng pinto habang humahalakhak
Dernière mise à jour : 2026-09-22 Read More