"I'll pay double, Marcus. Just do it," pinal at malamig na wika ni Erick bago tuluyang ibinaba ang tawag.Napatingin sa kanya si Lyka mula sa driver's seat, bakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito habang patuloy sa pagmamaneho patungong airport."Erick... Ano na naman bang plano mo?" Maingat na tanong ni Lyka.Akala niya ay kumalma na si Erick makalipas ang isang gabi subalit sa nakikita niya, hanggang ngayon ay nagngingitngit parin ang kalooban nito."I was just about to investigate him, Lyka. Nothing more," pagsisinungaling ni Erick."Hindi ma naman gagawa ng illegal, hindi ba? Alalahanin mo, Erick, hindi lang suspension ang aabutin mo kapag nagkataon. Baka tuluyan kang matanggalan ng lisensya at makulong ka pa," puno ng pag-aalala niyang sambit.Inayos ni Erick ang suot niyang sunglass at itinutok na ang mga mata sa daan. "Don't worry, Lyka. Wala akong gagawing masama. I'm a compliant agent in their eyes. I'll just work on my own to dig up Marco's past dahil iyon lang naman an
Last Updated : 2026-09-22 Read more