Hindi agad nakapagsalita si Chantal. Ang bahagyang lamig ng mga talulot ng puting orchid sa kanyang tainga ay salungat sa matinding init na biglang humagupit sa kanyang dalawang pisngi.Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay para hawakan ang bulaklak, ngunit bago pa man niya ito mailipat ay maingat na hinawakan ni Marco ang kanyang pulso."Don't take it off," pabulong na wika ni Marco sa mababang tono, habang nakatitig nang diretso sa mga mata ng dalaga. "It looks perfect on you, Mrs. Barcelona."Napalunok si Chantal. "I'm not taking it off. Gusto ko lang hawakan," kinakabahan niyang sagot.Ang bilis ng tibok ng kanyang puso ay tila nakikipagkarera na naman. Pilit niyang binawi ang kanyang kamay at nag-iwas ng tingin habang umaaktong abala sa pagtingin sa iba pang mga bulaklak sa paligid."Why are you avoiding my gaze?" Senswal nitong tanong."E—Ewan ko sa'yo, Marco! Nakakailang 'yang mga titig mo, ah," pambabara ni Chantal para itago ang matinding kilig na pumupuno sa kanyang d
Last Updated : 2026-09-23 Read more