Share

Kabanata 256

Author: Georgina Lee
last update publish date: 2026-09-28 00:50:36

Kinabukasan, maagang sumikat ang araw sa ibabaw ng napakalawak na Barcelona Estate. Katatapos pa lamang maglinis ng mga kasambahay sa may grand foyer habang si Ningning naman ay abala sa pag-aayos ng floral centerpiece sa malaking mesa malapit sa pangunahing pintuan ng mansyon.

Malamig pa ang simoy ng hangin sa labas nang biglang pumutok ang tunog ng papalapit na sasakyan. Huminto ang isang pampublikong taxi sa mismong portico ng mansyon—isang bagay na bihirang mangyari dahil mga pribadong sasa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 258

    "She's not an employee, Dianne," malamig ngunit mariing wika ni Marco.Inilapit niya si Chantal sa kanyang tagiliran at marahang ipinulupot ang kanyang braso sa bewang ng dalaga—isang protektado at pormal na kilos na nagpapahiwatig ng kanyang buong pagpanig at pagkilala sa asawa."And she is definitely not lying," patuloy ni Marco, ang kanyang mga mata ay deretsong nakatitig kay Dianne nang walang kahit kaunting pag-aalinlangan. "Chantal is my wife. We are legally married."Tila tinamaan ng kidlat ang buong foyer sa matinding katahimikan. Nanlaki ang mga mata ni Dianne, halos malagutan ng hininga habang napaatras nang isang hakbang. Ang dahan-dahang pag-iling ng kanyang ulo ay puno ng hindi makapaniwalang pagkabigla at matinding sakit."N-No... That's impossible!" pabulong at nanginginig na bulalas ni Dianne, unti-unting pinalitan ng poot ang kanyang boses. "You can't be married to her! Marco, she’s a disgraced actress! Biktima siya ng iskandalo at kung ano-anong tsismis sa showbiz! H

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 257

    Bahagyang bumilis ang paghinga ni Chantal habang nakahawak nang mahigpit sa wooden railing ng ikalawang palapag. Nakaramdam siya ng matinding kurot sa kanyang dibdib, ngunit pilit niyang pinanatiling maayos at blangko ang kanyang ekspresyon. Hindi siya puwedeng magpakita ng kahinaan, lalo na sa harap ng babaeng matagal nang nagpapasakit ng ulo sa kanya sa industriya na siya ring first love ng kanyang asawa.Naramdaman ni Marco ang tila paglamig ng hangin sa buong grand foyer. Nang mag-angat siya ng tingin at maramdaman ang titig ni Chantal sa itaas, para siyang nauntog pabalik sa realidad.Mabilis siyang nahimasmasan mula sa pagkagulat at tumigas ang ekspresyon. Hawak ang braso ni Dianne, agad niya itong marahang ngunit pormal at mariing itinulak palayo sa kanya upang putulin ang yakap na ipinagkaloob nito sa kanya."Dianne, stop," malamig at awtoridad na saad ni Marco. Ang boses nito ay walang kaabang-abang na lambing, kundi purong distansya at pader. "What are you doing here?"Bahag

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 256

    Kinabukasan, maagang sumikat ang araw sa ibabaw ng napakalawak na Barcelona Estate. Katatapos pa lamang maglinis ng mga kasambahay sa may grand foyer habang si Ningning naman ay abala sa pag-aayos ng floral centerpiece sa malaking mesa malapit sa pangunahing pintuan ng mansyon.Malamig pa ang simoy ng hangin sa labas nang biglang pumutok ang tunog ng papalapit na sasakyan. Huminto ang isang pampublikong taxi sa mismong portico ng mansyon—isang bagay na bihirang mangyari dahil mga pribadong sasakyan lamang ng mga Barcelona ang karaniwang nakakapasok doon.Ilang sandali pa, narinig ang mabilis at determinadong yabag ng mga high heels na tumatama sa makintab na marble floor ng bungad ng bahay.Bumukas ang malaking double doors ng mansyon. Iniluwa niyon ang isang babaeng nakasuot ng oversized designer sunglasses, eleganteng blazer, at hila-hila ang dalawang mamahaling luggage.Napatigil sa pagwawalis si Ningning. Halos maibagsak naman ni Elsa ang hawak nitong feather duster nang makilala

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 255

    Sabay na napatigil sina Marco at Chantal sa pagtawa. Napatitig sila sa may pintuan ng kusina kung saan nakatayo si Doña Greta, nakakrus ang mga braso habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang silver walking stick. Matalim ang tingin ng ginang habang inililibot ang paningin sa nag-uusok na paligid, sa basag at nagtatalsikang mantika sa makintab na counter, at sa dalawang taong tila galing sa isang giyera.Sa likod ni Doña Greta ay nakatayo si Manang Dolores kasama sina Elsa, Ningning, at Marites. Halos magdukit ang mga kasambahay habang pilit na itinatakip ang mga palad sa kanilang mga bibig para lang pigilan ang nagbabadyang paghalakhak."Grandma..." marahang panimula ni Marco, pilit na ibinababa ang takip ng kaldero na hawak pa rin niya habang pinapanatili ang kanyang pormal na tindig. "We were just... cooking.""Cooking?!" singhal ni Doña Greta, bahagyang itinukod nang mariin ang kanyang walking stick sa sahig. "It looks like a war zone! Marco, you are a businessman, not a bumblin

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 254

    Pagsapit ng Linggo ay walang trabaho si Marco kaya't nasa bahay silang pareho. Kasalukuyan siyang nakasandal sa balikat ng lalaki habang nanonood sila ng palabas nang may maisip siya."Marco... bakit hindi na lang tayo ang magluto ng hapunan natin?" excited nitong alok. "Gusto kong mag-date tayo rito lang sa bahay. Tayo lang dalawa."Bahagyang napatitig si Marco sa kanya, tila sinusuri kung seryoso ito. "Tayo? Magluluto?""Oo! Masaya 'yon!""Look, both of us don't have any idea in the kitchen.""Naku, huwag kang mag-alala! Tutulungan kita," kumpiyansang sagot ni Chantal. "Marunong ako sa mga simpleng bagay... Nagtanong-tanong na ako kay Manang Dolores noong nakaraang araw."Sandali pang tinitigan ni Marco si Chantal, subalit nang makita niya ang determinasyon sa mukha ng babae, wala na siyang nagawa pa kundi ang tumango. Wala rin namang masama kung paminsan-minsan ay sakyan niya ang kabaliwan ng kanyang asawa, di ba?Pagpasok nila sa loob ng kitchen ng mansyon, pinaalis muna ni Marco

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 253

    "You look extra happy," salubong ni Marco habang tinatanggal ang kanyang suit jacket at inaabot iyon sa naghihintay na utusan. "May magandang nangyari habang wala ako?""Kinausap ako ni Grandma Greta," nakangiting sagot ni Chantal habang binibigyang-diin ang huling salita.Bahagyang natigilan si Marco, kumunot ang noo bago dahan-dahang lumaki ang mga mata. "Grandma Greta? You're calling her that now?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki."Oo! At niyakap ko pa siya nang dalawang beses kahit na pilit niya akong itinutulak palayo!" masayang kuwento ni Chantal.Napaalpas din ang tawa ni Marco habang napapailing. "That's a historic moment. Wala pang nakakayakap kay Doña Greta nang gano'n nang hindi nasisante o nasisigawan. You really are something, Chantal."Nanatiling nakatutok ang tingin ni Lyka sa screen ng kanyang cellphone kahit ilang oras na ang lumipas mula nang makausap niya si Chantal. Bagama't may halong sakit at panghihinayang na hindi man lang niya maipagtimpla ng kape o maya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status