Nasa hapag-kainan na kaming lahat ng gabing iyon. Masarap ang mga nakahain sa mesa: may ginisang gulay na umuusok pa, may pritong isda na malutong ang balat, at may mainit-init pang sabaw ng nilagang baboy na may kasamang gabi at pechay. Sa gitna ng mesa, may mga hiwa na rin ng hinog at napakatamis na mangga. Ang bango ng amoy ng pagkain ay talagang nakakatakam, kaya naman gaganahan ka talagang kumain nang marami."Kain lang nang kain, Jam. Ganito talaga kami ka-conscious sa pagkain dito sa bahay. Alam mo na, para na rin sa kalusugan namin, lalo na at maedad na ako," malambing na sabi ni Tita Selena sa akin habang nilalagyan ng sabaw ang aking mangkok. Napakabait talaga ni Tita Selena, palaging may pag-aalaga sa bawat galaw niya.Nginitian ko siya at sumagot ako. "Naku, Tita, sanay na sanay ho ako sa garneng pagkain. Sa amin ho sa Batangas, kapag gulay, gulay laang ang ulam. Kapag isda, isda laang. Hindi ho kami nagmamadami ng ulam sa isang kainan. Iyong ubos-ubos biyaya ho ay hindi u
閱讀更多