"Angelo, nagkamali talaga ng pagpapangalan sa iyo si Tita. Sa halip na Lucifer ang ipinangalan sa iyo dahil sa ugali mo, naging Angel pa," panimula ko, dahan-dahan akong tumayo mula sa bench upang magpantay ang aming taas, at hinarap siya nang walang katakutan."Pero huwag mo namang maipamukha sa akin ang ipinagkaiba natin ng estado, dahil ako, alam ko kung saan ako lulugar bilang empleyado, at alam ko na nasa tama ako. Ikaw? Ano bang ginagawa mo rito? CEO ka nga sa papel, kilala ka sa labas bilang isang iginagalang na ginoo, pero ugaling hayop ka naman pagdating sa akin. Ano gang ginawa kong masama sa iyo, at parang abot-langit ang inis mo sa aking pagkatao? Wala nga akong alam na naagrabyado kita sa buong buhay ko!"Huminga ako nang malalim, tinitigan ko ang kaniyang mga mata na unt-unting nawawalan ng bagsik at napapalitan ng pagkagulat. Ginamit ko ang huli kong sipa upang tuluyan siyang mamilipit sa kaniyang sariling konsensya."Alam mo, Angelo, naiintindihan kita," sabi ko sa isa
Read more