"Unang-una, hindi siya basta tindera rito, siya ang aking personal assistant, Celestine," seryosong paliwanag ni Tita Selena habang humahakbang papalapit sa kaniya. "Ikalawa, alam ko kung paano mag-asal ang mga staff ko. Hindi sila magtataas ng boses kung walang naunang nambastos sa kanila. At ikatlo, nakita ko mula sa itaas kung paano itinulak ng assistant mo si Jani. Walang lugar sa shop na ito ang mga taong walang respeto sa mga nagtatrabaho nang marangal.""But Tita! I am Angelo’s girlfriend!" pagmamaktol ni Celestine, sinusubukang gamitin ang pangalan ng kaniyang kasintahan bilang huling alas. "Hindi niyo man lang ba ako ipapriority over that b*tch? Ako ang mamanugangin niyo. Sa akin dapat kayo naka side!""Kahit asawa mo pa si Angelo, Celestine, shop ko ito at mga tao ko ang binastos mo," walang pangingimi na sagot ni Tita Selena. "Kaya kung may natitira pa kayong kahihiyan ng assistant mo, lumabas na kayo habang maayos ko pa kayong pinakikiusapan. Sarado ang shop ngayon, at kap
Read more