Pagpasok ko sa malawak na dining area, pilit kong kinagat ang aking labi para hindi humalakhak nang malakas. Nakaupo na si Angelo sa kaniyang paboritong upuan, tuwid na tuwid ang likod at pilit na inaayos ang kaniyang kubyertos. Pero ang totoo, kitang-kita ko ang panginginig ng kaniyang mga daliri habang hawak ang baso ng tubig. Halos ubusin niya ang laman niyon sa isang inuman laang para mapakalma ang kaniyang sarili."Oh, Jamilla, maupo ka na, hija. Mabuti at sumabay ka na sa amin," nakangiting bati sa akin ni Tita Selena na eleganteng nakaupo sa kabisera."Salamat ho, Tita," magalang kong sagot saka ako umupo sa tapat ni Angelo.Nang mag-angat siya ng tingin at magtama ang aming mga mata, pinanlakihan ko siya nang bahagya ng mga mata sabay sulyap sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi. Agad siyang napaiwas ng tingin at narinig ko ang mahina niyang pagmura sa kaniyang hininga.Habang inihahain ng mga kasambahay ang ulam na sinigang na baka at piniritong tulingan, napansin ni Tita Selen
Read more