Kinabukasan, dahil araw ng pahinga at wala kaming trabaho sa shop, nagpasya akong gumising nang medyo huli sa sadyang oras. Masakit pa rin ang aking labi paggising ko, at nang tingnan ko sa salamin, may kaunting bakas pa rin ng pamamaga ang iniwan ng mapagparusang halik ng banyagang si Angelo kagabi. Naghilamos ako at nag-ayos ng sarili, suot ang aking simpleng pambahay. Lumabas ako ng aking silid at dahan-dahang bumaba sa hagdan habang nag-uunat.Subalit bago pa man ako tuluyang makatuntong sa huling baitang, napatigil ako nang marinig ko ang isang pamilyar, matining, at tila pilit na boses mula sa sala."Oh, Tita Selena! I really hope you like these organic teas and the silk scarf I got for you from Paris! At saka, tungkol po pala sa nangyari kahapon sa shop ninyo... I am so, so sorry talaga, Tita. My assistant just overreacted, and I felt so bad about it. Hindi ko po talaga sinasadya," malambing at tila iiyak na paumanhin ng babae.Sumilip ako mula sa gilid ng pasilyo. Si Celestine
Read more