POV: JustineMatapos naming maubos ang inihanda kong mainit na sabaw at toasted bread, dahan-dahan kaming nagtungo ni Hilary sa salas upang magpahinga. Binuksan ko ang TV para lang may bahagyang ingay sa paligid, subalit ang totoo, ang aming mga isip ay wala roon sa palaba. Nakatutok ang aming buong kamalayan sa pintig ng puso ng isa’t isa at sa kuryenteng patuloy na gumagapang sa pagitan naming dalawa.Hindi ko malaman, kung bakit nagkaroon kami ng katahimikan, gayung kanina, habang kumakain kami, puro kami kulitan.Bahagya pa kaming nagkakahiyaan. Nakaupo kami sa malambot na sofa, may kaunting distansya na tila ba kapwa kami natatakot na kapag nagdikit ang aming mga balat ay muli kaming matupok ng matinding init ng aming damdamin. Panaka-naka kaming nagkakatitigan, at sa tuwing mangyayari iyon ay nagkakasabay pa kaming magsalita at magtanong."Gusto mo ba ng—" sabay naming panimula."Ikaw muna—" ulit naming sambit na parehong napahinto.Natawa nang bahagya si Hilary, sabay iwas ng
อ่านเพิ่มเติม