"Hindi ko iuurong ang kaso."Matigas, malamig, at walang kaunting pag-aalinlangan ang pagkakasabi ko.Tinitigan ko si Mommy nang diretso sa kaniyang mga mata. Hindi na magbabago ang isip ko. Hindi na ako umatras kahit isang hakbang. At marahil, iyon ang pinakakinainisan at pinakakinatatakutan niya sa lahat—ang makitang ang anak na dating madaling pasunurin ay pader na ngayon na hindi niya kayang ibagsak.Ilang segundo siyang nakatitig sa akin. Ang dating eleganteng, kontrolado, at kunwaring mahinahon niyang mukha ay unti-unting nagbago. Nawala ang lahat ng pilit na lambing at pag-aalala sa kaniyang mga mata. Tumigas ang kaniyang panga, namuti ang kaniyang mga labi, at napakuyom ang kaniyang mga kamay na nakapatong sa kaniyang mamahaling designer dress."Napakatigas talaga ng ulo mo, Amalia," napailing siya, may halong matinding kapaitan at galit sa kaniyang boses. "Hindi ko na talaga alam kung kanino mo namana ang ganiyang kasama at katigas na ugali.""Siguro sa iyo, Mommy," mabilis
Baca selengkapnya