Ibinigay ko ang huling utos sa kapitan ng pulisya.“Arrest every one of them. No bail. Obstruction of justice, kidnapping, attempted rape, assault, and illegal possession of dangerous drugs. Put handcuffs on all of them—including the children and the teachers.”“Yes, Sir Graham!”Agad na sumugod ang mga armadong pulis. Umalingawngaw ang matitinding iyakan, sigawan, at pagmamakaawa sa buong grand ballroom. Ang grupo nina Earl, Arcel, at Jones ay pinadapa sa sahig habang pinapoposan, habang sina Bea, Aleli, Cat, at Dana ay umiiyak habang isinasakay sa mga patrol car.Ni isa sa kanila ay walang nakaligtas.Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan ang numero ni Jamilla."Babe," bungad ko nang sagutin niya ang tawag. "Kumusta si Amalia at si Jay?""Ligtas na silang dalawa, Angelo," sagot ni Jamilla mula sa kabilang linya, bakas ang ginhawa sa kaniyang boses. "Nasa emergency room na si Amalia kasama si Tito, at ginagamot na rin ang mga pasa ni Jay. Ikaw? Tapos ka na ba riyan?"Tumingin ako
Read more