"Chance?" tanong ko habang nanginginig ang aking labi. "Bigyan ko ng chance si Bea?"Tumango si Daddy, sinusubukang hawakan ang kamay ko. "Matagal kayong nagkasama noong bata pa kayo. Kilala mo si Bea, anak. Baka nadala lang siya sa sitwasyon, baka naimpluwensyahan ng mga maling kasama. Mag-usap kayo ng pamilya nila, hingan natin sila ng maayos na settlement—""Hindi ko siya kaibigan, Dad!" sigaw ko."Amalia, you were close friends before—""BEFORE!" Binigyang-diin ko ang bawat letra ng salitang iyon habang ibinabagsak ang aking palad sa armchair ng sofa. "BEFORE, DADDY! Bago nila ako itinaboy at pinaniwalaan ang isang manyakis! May chance siguro na maging okay kami ulit kung hindi nila ako tinarantado.. kaya.. Exactly. Before! dati pa.. ex friends ko na sila!"Napailing ako, ang mga luha ay nagsisimula nang magtubig sa aking mga mata. Tinitigan ko ang aking ama nang may matinding pait."Akala ko kakampi kita, Dad," pabulong kong sabi, at ang boses ko ay umugong sa silid na parang na
Baca selengkapnya